Barbie at JM: Sila na ba?

September 12, 2018

MARAMI ang kinilig sa birthday message ng young actress na si Barbie Imperial sa kanyang 'Araw Gabi' leading man na si JM de Guzman noong Linggo kung kailan nagdaos ng kaarawan ang aktor. Short but sweet, wika nga.

Thumbnail

“Salamat dumating ka sa buhay ko. Maligayang kaarawan sa iyo, Juan Miguel,” ayon kay Barbie sa kanyang Instagram post, sa isang larawan kung saan makikitang natutulog si JM katabi ang isang teddy bear (stuffed toy) na hinala ng marami ay regalo ng una sa huli.

Hanggang ngayon, di pa rin inaamin ng dalawa kung may relasyon na nga sila na higit pa sa pagiging co-stars.

Kagagaling lang sa isang (masalimuot na) relasyon si Barbie (with young actor Paul Salas), at matagal na ring walang girlfriend si JM, pagkatapos nilang mag-break ni Jessy Mendiola na ngayo'y girlfriend na ni Luis Manzano. (In fact, balitang engaged na nga ang dalawa.)

Sa mga pahayag nina JM at Barbie, hindi naman daw sila malayong magkagustuhan. April this year nagsimula ang 'Araw Gabi' sa ABS-CBN at sa tagal na rin ng kanilang pagsasama sa show, malamang na na-develop na ang dalawa sa isa't isa.

Thumbnail

Isa pa, mukhang mahilig si JM sa mga tisay (tulad ni Jessy). Bagama't nagpahayag si JM noon na tipong naiilang siya dahil ’di hamak na mas bata sa kanya ang tisay na Bicolanang si Barbie, mahirap ding pigilan ang damdamin, sa tagal ng panahon.

Noong July, matatandaang si JM naman ang nagregalo kay Barbie sa birthday nito. Nag-post din si Barbie kasama ng litrato ni JM na may hawak na gitara. Nilagyan niya ito ng caption ng lyrics ng kanta ni Ronan Keating na “When You Say Nothing at All.”

Hmmm. Mukhang may bagong kakikiligang loveteam sa Kapamilya network.

Are they or aren't they?

Abangan ang mga susunod na pangyayari kina JM at Barbie.