4,833

Bangayan!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 442

Bashers, abangers sa emo post ni Sharon

Rhian, inilalapit ang BF sa pamilya

Balik-social media na si Sharon Cuneta after ilang days na hindi siya nagpu-post. Kaya lang, ’pag hindi tumigil ang bangayan ng kanyang fans at bashers, baka mag-off na naman sa socmed si Mega. 

May bashers kasi na nag-comment sa first post ni Sharon after two days na hindi siya active na sinasagot ng fans ni Sharon.

Mabuti at hindi na sinasagot ni Sharon ang mga nega comment sa kanyang pagbabalik, kaya kahit meron nito, ang fans na lang niya ang nagre-react.             
    
Sabagay, isa pa lang ang post ni Sharon at inaabangan ng kanyang bashers ang mga susunod niyang post kung babalik si Mega sa pagiging emo.
    
Ang fans ni Sharon, ang mga project niya ang hinihintay dahil nabanggit niya minsan na malapit na niyang gawin ang bago niyang pelikula.
    
Surprise ang leading man dahil hindi pa niya binabanggit kung sino ito.

* * *

NGAYONG official Kapuso na si Jasmine Curtis-Smith, muling mabubuhay ang matagal nang nabalitang isa siya sa magiging leading ladies ni Alden Richards sa fantaseryeng Mitho.
    
Natatandaan namin, ang dinenay ni Jasmine ay ang pagtatambal nila ni Alden sa Mitho at hindi ang pagpirma sa GMA Network.
    
Ngayong Kapuso na siya at kung paniniwalaan ang tsika, kumpleto na ang three leading ladies ni Alden dahil una nang nabalita na makakapareha rin niya si Janine Gutierrez.
    
Ang isa pang aabangan natin kung magkakatotoo ay leading lady din daw ni Alden si Andrea Torres.
    
Anyway, nagkatrabaho na sina Alden at Jasmine sa pelikulang Imagine You and Me, kaya wala ng ilangang mangyayari pa.
    
Friends din sina Alden at Janine, nagkakasama sa mga event ng GMA-7 at kaibigan din ni Alden si Andrea, kaya walang problema.

* * *

Kasama ni Rhian Ramos ang boyfriend na si Jason Choachuy sa family vacation nila sa Japan at kasama rin niya ang BF sa bakasyon niya sa Thailand, kung saan based ang ama ng aktres.
    
Sinisimulan na ni Rhian na ilapit ang nobyo sa kanyang pamilya, kasalan na kaya ang kasunod nito?
    
Birthday din pala ng BF ni Rhian, kaya may maganda siyang birthday message rito.
    
Tinawag niyang “giving energy in my life” ang nobyo na hindi pinagseselosan ang mga eksena niya sa The One That Got Away kung saan, flirt, liberated at walang kebs sa mundo ang role niya bilang si Zoe.
    
’Kaloka ang kwento ni Rhian na siya pa lang yata ang aktres na bina-blurr sa TV lalo na ’pag super sexy ang suot.
    
Unang hindi natutuwa sa sexy role niya ang kanyang mom, pero nang ma-establish na ang friendship nina Zoe (Rhian), Darcy (Max Collins) at Alex (Lovi Poe) sa story, natuwa na ang mom niya, dedma na sa sexy outfits niya at sa kissing scene niya kay Jason Abalos.

* * *

Natawa kami sa panunukso ni Angelica Panganiban sa kaibigang si Glaiza de Castro na nag-post ng BTS sa taping ng Contessa na nagpapraktis bumaril.
    
Ang post kasi ni Angelica ay “ConTita! Contita d explorer @glaizareduz.”
    
Ang “Contita” na binanggit ni Angelica ay Contessa, title ng afternoon soap na pinagbibidahan ni Glaiza sa GMA-7.
    
Hindi pa nababasa ni  Glaiza ang comment ng best friend niya, kaya wala pa siyang reaction, pero siguradong gaganti siya sa kaibigan.