Balitang buntis at iba pang royal family news

October 18, 2018
Meghan Markle
Meghan Markle

AFTER their much-followed royal wedding last May 19, 2018 na ginanap sa St. George’s Chapel in Windsor Castle ng United Kingdom nina Prince Harry and American divorcee and former TV and movie actress Meghan Markle, in-announce naman ng Kensington Palace last Monday, October 15 na nasa interesting stage ngayon ang Duchess of Sussex na nataon sa ika-59th birthday ng ex-wife ni Prince Andrew na si Sarah (Ferguson), Duchess of York.

Masayang ibinalita ng royal couple na sina Prince Harry (Duke of Sussex) at Meghan (Duchess of Sussex) na magkakaroon na sila ng baby sa wedding reception mismo ng wedding ng pinsan ni Prince Harry na si Princess Eugenie kay Jack Brooksbank last October 12, 2018 kung saan naroon ang royal family with their relatives and friends.  Pero ang information na ito ay ipinaalam na ng royal couple sa ama ni Prince Harry na si Prince Charles maging sa nakatatandang kapatid ng huli na si Prince William at sa ina ni Meghan na si Doria Ragland na dumalo sa cooking book charity event ng anak nung nakaraang buwan.

Ang mag-asawang Prince Harry at Meghan ay kasalukuyang nasa kanilang 16-day tour sa Australia at New Zealand.  Sa kabila ng pagbubuntis ngayon ng Duchess of Sussex, itutuloy pa rin nila ang naka-plano nang  70 special events na kailangan nilang daluhan.

Ang ipinagbubuntis ngayon ni Meghan ay first pregnancy niya dahil hindi naman siya nagkaroon ng anak sa kanyang American ex-husband, ang film director-producer na si Trevor Engleson at tumagal lamang ng dalawang taon ang kanilang marriage.

Meghan is 37 at 34 naman si Prince Harry.

Ang magiging first (royal) baby nina Prince Harry at Meghan ay magiging pang-apat na apo na ni Prince Charles sa kanyang nasirang asawang si Princess Diana. May tatlo nang anak ang kanilang panganay na si Prince William sa wife nitong si Kate Middleton, Duchess of Cambridge na sina Prince George, Princess Charlotte at Prince Louis.

Si Prince William ang second in line to the royal  throne at pang-lima naman si Prince Harry dahil pangatlo at pang-apat ang dalawang anak na lalake ni Prince William na sina Prince George at Prince Louis.  Ang ama nina Prince William at Prince Harry na si Prince Charles ang next to the throne pero hindi magiging Queen ang misis nito ngayon na si Camilla Bowles, ang Duchess of Cornwall.