Balikang Kris-Bistek tinuldukan na!

October 27, 2018
Kris Aquino
Kris Aquino

Masipag na uling mag-post sa social media si Kris Aquino na ikinatutuwa ng kanyang supporters at followers. Hindi lang tungkol sa trabaho at endorsements ang pino-post ni Kris, may pang-personal din na dahil sa pagiging honest, minsan ikinabibigla ng kanyang supporters.

Ikinalungkot naman ng shippers nina Kris at Que-zon City Mayor Herbert Bautista ang inamin ni Kris na wala na silang aasahan dahil tinuldukan na nito ang kung anumang relasyon mayroon sila.

“Wala na. Nag-usap na kami ng maayos. I think we missed the chance. We’re not friends now, we do not talk anymore,” sabi ni Kris.

Ang huling pagkikita at pag-uusap nina Herbert at Kris ay noong pumunta sa bahay nina Kris si Herbert noong kainitan ng medical problem ni Kris na dala ng malaking problema sa kanyang kompanya. ’Yun na ’yun at ngayon, hindi na sila nag-uusap.

Ibinalita rin pala ni Kris na tuloy na ang TVC shoot for her endorsements at nag-host pa ng event ng Live Smart at Apple iPhone Xs. This Sunday o kahapon, nag-shoot sila nina Josh at Bimby ng Christmas campaign para sa Uniliver.

Ang hinihintay ng followers ni Kris ay ang ibalita nito kung kailan niya sisimulan ang horror movie niya sa iflix to be directed by Adolf Alix Jr. Dapat October sisimulan ang shooting, pero dahil nagkasakit, na move na naman ang shooting.