‘Balik-alindog’ ng Bora, tagumpay

October 27, 2018
Mark Villar and Berma Romulo Puyat
Mark Villar and Berma Romulo Puyat

BORACAY -- TAGUMPAY ang “balik-alindog” program ng administrasyong Duterte sa paraiso ng Boracay Island na muling binuksan sa local at foreign tourists nito lamang Biyernes.

Punong-abala sa nasabing okasyon ang pinuno ng dalawa sa ilang ahensya ng gobyerno na kabilang sa proyekto -- sina DPWH Secretary Mark Villar at DoT Secretary Berna Romulo-Puyat.

Ayon sa datos ng tourism department, as of Friday noon, nasa 1,130 registered tourists na ang dumayo sa reopening ng Bora.

Unlike before, sinasabing magkakaroon na ng maximum number of capacity ang mga turistang maaaring bumisita para mapangalagaan ang kalinisan at kagandahan nito.

Sey ni Sec. Berna, lilimitahan sa 19,215 katao kada araw ang pwedeng bumisita kasama na ang foreign tourists na ‘di hihigit sa 6,405.

Kabilang ang ilang showbiz celebrities gaya nina Cristine Reyes, Erik Santos, Rufa Mae Quinto, Rafael Rossel, Coleen Garcia at sampung Miss Earth 2018 candidates sa mga dumayo rito sa reopening.

Sa totoo lang, ang domestic airport that day, sumusuka sa dami ng pasahero.

Ani Sec. Mark sa lunch chikahan kasama ang ilang entertainment writers/editors na naimbita sa Bora reopening, sulit ang lahat ng pagod at stress na inabot niya sa loob ng anim na buwan.

Historical ang proyekto sa laki at tindi nito at pwede raw niyang ipagmalaki balang araw maging sa kanyang mga apo.

Kwento niya, eighty percent na ng first phase ng infrastructure at road development aspects ng rehabilitasyon ang tapos na.

Ini-expect niyang makumpleto ito by December sa tumataginting na P490 million budget.

Nakatulong nila ang additional manpower mula sa 15 District Engineering Offices at ang Regional Office ng DPWH sa Western Visayas sa paggawa ng 4.12 kilometer Boracay Circumferential Road mula Cagban Port hanggang Elizalde property, pati na ang missing gap sa backdoor na Bolabog Beach sa Barangay Balabag.

“I’d like to commend our hardworking crew and officials in DPWH Region VI who were able to make the entire Boracay Circumferential Road passable to the public. They completed significant improvements on existing highway and opened the missing gap just in time for Boracay Island’s opening,” ani Sec. Villar.

Ang Boracay Circumferential Road na nilagyan ng two lines ng high-density polyethylene (HDPE) drainage pipes ang magiging panlaban sa stormwater at baha.

Wala nga raw nakaligtas sa mga establisyementong nag-encroach, lalo na ng Bolabog Beach.

At true enough, may malapad at sementado nang daan doon na may sidewalk din sa magkabilang gilid.

Hindi naman daw sa bawal na mag-party sa Boracay. Pwede pa rin naman, sabi ni Sec. Mark, basta i-regulate lang.

Ang inuman, pwedeng gawin sa loob ng mga lehitimong hotel sa isla.

Ibinalita rin ng DPWH czar na zero na ang coliform level ng tubig sa Bora matapos ang rehabilitasyon.

Samantala, karamihan sa mga hotel dito ay nagre-regain pa ng workforce kaya halos lahat ay magsisipag-resume pa lamang ng operasyon sa October 30.