5,966 guests

Bagsak

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 427

Shaina, nagmi-menopause?

Aktres, namamaga ang mukha at tinutubuan ng kung anu-ano

Dahil sa sobrang hirap ng character niya sa The Better Half bilang Camille, aminado si Shaina Mag-dayao na talagang nagkakanda-sakit-sakit na siya.

Natatawang sabi niya kahapon nang bisitahin namin sa set ng TBH, “sa sobrang nadadala, pati immune system ko, inabot na. Kasi, stressed talaga ’yung katawan namin, sa totoong buhay. Kung anu-anong tumutubo at namamaga sa mukha ko. And first time siyang nangyayari.”
    
Sa seryosong usapan, kwento ni Shaina, actually ay na-diagnose siya ng hypothyroid two years ago.
    
“Sakit siya ng nagmi-menopause. Siguro kasi, I started working at a very young age. Walang enough tulog, puro puyat. Tapos nu’ng January, namamaga ’yung lips ko. So, meron akong angioedema and urticaria.
    
“So, lahat ng espeyalista, na-ano ko, specialist, ’yung immunologist, nagpa-check-up na ako kasi hindi namin alam kung ano ang nangyayari. Eh, at that time, nagti-taping kami sa Baguio and hindi nila ako mapababa ng Manila kahit na ini-injection-an ako ng pampatulog, ng Benadryl, ng anti-Histamine.
    
“So, parang 6 hours, pinatulog ako, na-subside ’yung lips. But we don’t know, kasi parang sabi namin, bakit ganu’n, parang bumabagsak ’yung immune system, kasi nga naman, sobrang pagod ko talaga sa show na ’to.
    
“Sobra ’yung puyat, emotionally draining, physically draining. So, I guess, kaya lumabas ’yung mga sakit.
    
“So, I had to see specialists -- endocrinologist for my thyroid and immunologist for my immune system kasi nga bumabagsak siya. And it’s not normal na may namamaga, namamaga ’yung mata mo, namamaga ’yung cheeks mo. It’s not normal na namamaga lang ’yung sistema mo and everything.”
    
May maintenance raw siya sa hypothyroid niya at sa immune system raw niya, kailangan daw niya talaga ng enough rest.
    
“’Pag walang taping, nagri-relax ako, nagwu-work-out, kailangan may ganu’n, kasi nai-stress, and ’yung stress, pumapasok siya sa sistema ko. Kasi, hindi mo pwedeng pekein itong show na ito, eh.
    
“’Yung si Camille (her character), hindi mo pwedeng magpatulo ka na lang ng luha, madali lang magpatulo ng luha pero ‘yung emotions, ’yung pinanggagalingan, ’yung bigat, kailangan, bitbit mo ’yun, and it’s no joke.
    
“Ito na yata ang pinakamahirap na show na ginawa ko, but because, napakagaan nilang katrabaho, my co-actors, ang gaan nilang katrabaho, like gaya nga ni JC (de Vera), lahat kami nag-aaral kami talaga ng eksena.
    
“Ang direktor namin, never mong naririnig na sumisigaw. Sobrang chill lang niya. Our business unit head, sobrang bait din. So, parang ayaw mong sayangin ‘yung opportunity.
    
“Napakahirap ng show pero lahat pinapagaan nila. Dito, wala kaming issue. Ang tagal na naming magkakasama, since November pa, wala ’yung kasi nali-late, or whatever, wala, we’re one big family,” pahayag pa ni Shaina.
    
At sobrang thankful and happy nilang lahat na kumapit talaga ang sambayanan sa kanilang kwento.
    
“Actually, alam n’yo naman na hindi kami dapat eere agad, so medyo nagmadali kami nung first part. So du’n pa lang, overwhelming na that napaka-warm nung pagtanggap ng mga tao.
        
“And ngayon na patuloy kaming lumalabas, nakakatuwa, kasi  parang involved sila (the viewers) sa story. They have their own points of view. Parang alam nila kung bakit sila Team Sunrise (Shaina-JC) or bakit sila Team Sunset (Shaina-Carlo Aquino). May kanya-kanyang  prinsipyo, may kanya-kanyang paniniwala.
       
“So, we like the fact na hindi lang sila nanonood pero parang engaged sila. Kaya ‘yon, nagpapasalamat kami sa mga viewers namin, especially, pati ‘yung mga TFC subscribers na nanood and the feedback that we get, nakakataba ng puso so, parang kahit na sobrang hirap ng mga eksena namin, kahit na lahat ng eksena ko, umiiyak at iba-iba pong klaseng breakdown ang nagawa ko rito sa show na ‘to, at the end of the day, I believe that it’s all worth it because of the support na ipinapakita ng manonood,” sey pa ni Shaina.
     
Napapanood ang The Better Half, tuwing hapon, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Pusong Ligaw.