Baby bump

September 16, 2018

Natawa na lang si Marian Rivera dahil ginawang isyu ang sina-bing sigurado na ang pagtakbo ng asawang si Dingdong Dantes. Inisip, lalo na ng bashers ng mag-asawa na kinumpirma ni Marian na tatakbong senador sa darating na election si Dingdong.

Na-bash ng ’di oras sina Marian at Dingdong gayung ang gustong tukuyin ni Marian sa post na “Confirmed tatakbo si Dong, sa #Happiest5K. Aba siyempre ako din, kaya sign up now” ay ang pagtakbo ni Dingdong sa “The Color Run Hero Tour” sa November 11.

Ang GMA Network ang presentor ng fun run at open na ang registration sa mga gustong sumali at makasabay sina Dingdong at Marian sa pagtakbo.

Ang wala pang reaction si Marian ay ang tsikang buntis siya sa second baby nila ni Dingdong dahil may baby bump daw siya sa latest pictures niya.

Pansin din na hindi na nagsusuot ng high heels at lagi raw naka-flat shoes si Marian.