5,144 guests

Awra, iskolar ni Coco

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 351

Speaking of Awra, sobrang thankful ang bagets sa napakalaking break at opportunity na ibinigay sa kanya ni Coco at ng buong Dreamscape Entertainment unit ni Sir Deo Endrinal.

Ngayon nga, bukod sa FPJAP ay binigyan din siya ng Dreamscape ng sariling special episode sa Wansapanataym Presents na Amazing Ving at kasalukuyang umeere.

“Happy po ako kasi binigyan nila ako ng bagong project po sa Amazing Ving naman po. Kahit madami po akong show, patuloy pa rin nila akong sinusuportahan katulad ni Kuya Coco, palagi po niya akong ginu-good luck, tapos kino-congrats, tapos, sasabihin na lagi ko raw galingan.

“Tapos, sinama rin po ako ni Kuya Coco sa Panday kaya happy po ako kasi parang madami pa rin po silang binibigay sa akin na blessings or sine-share po. Tapos ’di po talaga kami pinapabayaan,” pahayag ni Awra.

Isa pang malaking pinagpapasalamat niya kay Coco ay binigyan daw siya nito ng scholarship sa AMA Computer School at nagagamit na nga raw niya ngayon via home study program.
    
Masayang-masaya naman si Coco sa success ni Awra na kaya na ring magdala ng sariling show. As we all know, nag-rate ang pilot episode ng Wansapanataym Presents Amazing Ving.
    
Samantala, sa pagpapatuloy ng Wansapanataym Presents Amazing Ving ngayong Linggo, August 13, ipakikita ni Ving ang kanyang katatagan sa pagtupad ng kanyang pangarap na maging superhero dahil patuloy niyang susubukang paganahin ang batong ipinamana ni Super Bing (Ellen Adarna) upang ganap siyang maging tagapagligtas.
    
Ipinagkaloob na nga ni Super Bing kay Ving ang mahiwagang bato matapos itong matalo sa pakikipaglaban kay Reptilya (Bianca Manalo) kasama si Maskarada (Carmi Martin), ang ina ni Ving na pinasusunod ng halimaw gamit ang hipnotismo.
    
Ngunit kahit nasa kanya na ang bato, sawi pa rin itong makapagpalit-anyo bilang tagapagligtas, kaya naman patuloy na maghahasik ng lagim si Reptilya at mga kampon nito sa mga inosenteng tao.
    
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, matatauhan si Maskarada at babalik ang alaala bilang Soffy. Dahil dito, pupuntahan niya ang kanyang naiwang pamilya upang makaligtas mula sa kasamaan ni Reptilya. Pero sa kasamaang palad, masusundan pa rin siya nito at ilalagay ang kanyang buhay sa panganib.