Astig

November 01, 2018
Ding Dong Dantes & Marian Rivera

Pamilya Dantes, nangabog sa Halloween paandar!

Panalo ang Halloween costume ng pamilya Dantes nina Dingdong, Marian at Zia, gayundin ni Alden Richards sa Eat Bulaga last Wednesday dahil siya si Jon Snow, ang sikat na karakter sa Game of Thrones.

Career kung career at  nangangabog ang Dantes family na ang napili for this year ay ang kalaban ni Batman na sina The Riddler, Poison Ivy at Joker.

Bukod sa makulay na kasuotan ng mga magulang, todo-emote at project ang bagets na si Zia sa Instagram posts nina Dingdong at Marian.

Siyempre pa, maraming celebrity friends ng mag-asawa ang tuwang-tuwa kay Zia at cute na cute.

Si Marian naman, ’di gaanong halata na buntis dahil medyo natatakpan minsan ng mahabang orange wig ang bandang tiyan.

’Katuwa rin na nag-effort si Alden at ang mga kasama sa Eat Bulaga sa kanilang Halloween costume para mapasaya ang viewers.

Kaya, hindi na lang si Victor Magtanggol si Alden, siya na rin si Jon Snow.

Sabi ng fans ng aktor, nasasanay na siyang mag-costume mula nang gawin ang Victor Magtanggol.

Samantala, naispatan si Alden at ang kanyang pamilya sa US Embassy para kumuha ng US visa para sa Christmas vacation nilang magpamilya.

Ten days ang bakasyon nila Alden, pero babalik siya bago mag-New Year dahil magho-host sa New Year Countdown ng GMA Network.