Assunta steals scene at presscon

September 28, 2018
Assunta De Rossi

ASSUNTA De Rossi effortlessly stole the presscon of the Imus Productions’ action trilogy, “Tres”, with her hilarious self deprecating quips about her role as an older woman who seduces Luigi Revilla in the episode, “Amats”.

“Yes, may pagka-cougar 'yung role ko at bad influence rin ako rito kay Luigi,” she says. “Actually, ginagamit ko siya at ginagamit din niya ako kasi he’s down and out after his parents died at tinulungan ko siyang makabangon. Naging lovers kami at tinuruan ko siyang mag-drugs. Naku, first shooting day pa lang namin, pinag-love scene na agad kami ni Direk Dondon Santos. Luigi was so nervous kasi first time niya so I told him to just relax and be comfortable para maitawid namin ang eksena. Ginalingan ko na agad para take one lang at di na ipaulit. I’m just doing my job. Biro mo, halos 20 years ago, ka-love scene ko 'yung dad niya (Sen. Bong Revilla) sa ‘Kilabot at Kembot’, at ngayon, 'yung anak naman. Puwedeng sa susunod 'yung lolo naman? Tinanong naman muna ako ni Direk Dondon kung okay lang sa’kin gumawa ng love scene. E, artista ko, so sige, kahit matagal na akong di nakakagawa ng ganung scene, go. Pero sana, huwag naman 'yun lang ang abangan ng audience. It’s not the main plot so it’s not really a big deal. Kung gusto nyong manood ng grabeng love scene, di just watch porn on the internet. Ako pa maghahanap para sa inyo. E, maraming ibang matutuhan ang tao sa movie namin, like sa character ko, huwag kang maging predator sa people who are weak and vulnerable.”

So why was she chosen for the role? “Kasi matagal na siguro nila akong hindi nakikita at na-surprised sila. Ay, ba’t puro bilbil na? Hindi na ito ang Assunta noong araw, a.”

When told that she doesn’t look it, she says: “Makapag-gym nga bukas. But honey, magaling lang talaga ako magtago pero, I’m 35 years old na. Of course, my body is not in the right place anymore. I’m just being honest and realistic. Mabuti na 'yung laitin ko ang sarili ko kaysa laitin pa ako ng ibang tao, di uunahan ko na. Pakibabaan po ang expectations kasi I’m super super old na, as in. I swear! Ang mga cellulite kasi, e. Marami nang naging pagbabago since the time I did films like ‘Hubog’, ‘Sisid’ and ‘Red Diaries’. Pero I think, bagay naman sa description ng character ko rito sa ‘Amats’ na mas matanda talaga kay Luigi. I’m just thankful na naisip pa nila ako for this role. That means I still have it. Chos! Buti na lang talaga, tanggap ako ng family ko as I am now at hindi ako pressured na nasa derma araw-araw. Wala akong time magmukhang bisugo, 'yung puro botox, saka puro fillers. Kasi nga tanggap nila ako.”

It’s good her husband Jules Ledesma doesn’t get jealous when she does love scenes? “Hindi. Kung ganoon siya kababaw at sobrang seloso, siyempre, hindi ako tatanggap ng ganitong projects. E, ito, okay naman ang treatment ni Direk Dondon. Maingat naman siya, so okay lang. Maganda raw talaga lumabas ang buong movie so I will attend the premiere night this coming Sunday. Bale last project ko na muna itong ‘Tres’ kasi by next year, I want to get pregnant so kailangan, walang stress, walang pressure sa trabaho, para magbuntis na nga ako.”.