Another baby boy for Lara, Marco

September 23, 2018

FORMER beauty queen-turned-actress Precious Lara Quigaman (35) and husband of six years actor Marco Alcaraz (35)  welcomed their second son, Tobias Nolan last Monday evening, September 17, 2018.  The eldest son of the couple, Noah Lamar is already six years old.

Thumbnail

Even before Lara gave birth to her and Marco’s second baby ay naging abala siya sa dalawang magkasunod na primetime TV series on ABS-CBN, ang nagtapos na “Bagani” where she played the role of Dilag at ang tumatakbo ngayong serye, ang “Halik” kung saan naman siya gumanap sa papel na Loida Ybanez-Montefalco, asawa ng character ni Romnick Sarmenta bilang si Mauro Montefalco at anak nila si Jackie Montefalco-Cruz na ginagampanan naman ng female lead na si Yen Santos.  Her character in “Halik” had to be ‘killed’ dahil sa kanyang present situation.

Ang husband naman ni Lara na si Marco ay kasama sa bagong simulang teleserye ng Kapuso Network, ang “Ika-5 Utos” na pinamamahalaan ng premyadong actress-director na si Laurice Guillen.  Bago ito ay kasama rin siya sa nagtapos na serye, ang “Hindi Ko Kayang Iwan Ka”.

Si Lara ang kinoronahang ika-45th Miss International  sa Tokyo, Japan in September 2005 making her the 4th Filipina beauty queen to bring home the title and the crown.  Ito’y sinundan nina Bea Santiago in 2013 at Kylie Versoza in 2016.  Nauna na rito sina Gemma Cruz in 1964, Aurora Pijuan in 1970 at si Melanie Marquez in 1979.  Bukod kina Gemma, Aurora at Bea, sina Melanie, Lara at Kylie ay pare-parehong pumasok sa showbiz.