6,017

Angelica umasa kay John Lloyd?

  • Written by Remy Umerez
  • Published in Showbiz
  • Read: 1103
Angelica  Panganiban Angelica Panganiban

TILA isang teleserye ang mga pangyayari sa personal na buhay nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Araw-araw ay may revelations kahit na walang pag-amin na nagmumula sa kanilang dalawa maliban sa mga pino-post nilang photos sa social media.

After a string of relationships ay tila natagpuan na ni Lloyd ang babaing he would like to be with for the rest of his life.. Ikinatuwa ng marami ang balitang malapit nang magkaroon ng kasalan (a beach wedding?) between them at higit sa lahat ang unconfirmed report na buntis si Ellen.

Meanwhile, one soul na tila nahihirapang makapag-move on ay ang ex-gilrfriend ni John Lloyd na si Angelica  Panganiban. Diumano, she was made to believe na magkakabalikan sila ni JLC and everything will be okay. Pero sa pagsulpot ni Ellen sa buhay ng aktor, things were never be the same again. Naturally, poor Angelica felt betrayed.

Angelica strikes us as a strong woman at sa malao't madali ay malilimutan niya ang sakit dulot ng bigong pagmamahal. 'Ika nga, time heals although it may take some time.

NADINE NAGPASALAMAT SA SUPORTA NI JAMES

From the word Revolution, you can derive the word  LOVE backwards. Revolution, the Jadine Concert ang unang pasabog ng Viva Live tampok ang loveteam nina James Reid at Nadine Lustre.
    
Kumusta na si Nadine who suffered deep depression nitong taong nagdaan? More than the bashings, she lost a brother towards the end of  2017.
    
Inamin ni Nadine na marami at matitinding pagsubok ang pinagdaanan niya pero hindi na niya ito idinetalye.  "I suffered swing moods at lagi kong napagbabalingan ay si James. Only then I discovered that he is the most patient man na aking nakilala. Sobrang haba ng kanyang pasensiya.  It also helped me a lot na todong suporta ang ipinadama ng pamilya ko at close friends na may malasakit sa akin. Ang bottom line, you need to talk so someone and pray a lot," she said.
    
Jadine in Concert is most anticipated by their huge following. They are set to bring to Revolution the fierce, grittier style that has evolved from their early recordings Watch them perform their hits, Bahala Na and Para-Paraan along with hot new sounds like Cool Down and IL2LU that they have created.
    
At huwag isnabin ang kanilang special guests sa pangunguna nina Sarah Geronimo, Sam Concepcion, Keanna Valenciano, Bret Jackson at Vice Ganda. Director is Paul Basinillo.
    
Tickets to tbe Revolution Jadine Concert are priced at VIP-P4,770, Patron- P3,710, Box Premium- P2,968. Box Regular-- P2,120 and Upper Box-P1,272. Call Ticketnet at 911-5555 or VIVA Lice at 687-7236 for ticket inquiries.

NANGUNA SA TAKILYA, ’DI PUMASA SA CRITICS

UNOFFICIALLY, Gandarrapido: The Revenger Squad ni Vice Ganda (na ’di pumasa sa movie critics) ang siyang nanguna (as in topgrosser) sa takilya at pumangalawa lamang ang Panday ni Coco Martin sa nakaraang Metro Manila Film Festival. Third placer ang Meant To Beh ni Bossing Vic Sotto, kahit may nagsasabing naungusan na ito ng Siargao sa huling sandali.
    
Happy naman daw si Bossing Vic dahil he was able to deliver a project totally different from his past offerings.The comedy drama tackles marital issues. It is more of an adult entertainment than a movie aimed for children.
    
Super happy ang namumuno ng MMFF because they met their target of P1billion total gross.