Angelica may pasabog na naman

September 26, 2018
Angelica Panganiban
Angelica Panganiban

LAGING kaabang-abang itong si Angelica Panganiban.

Sa tuwing may project siya, tiyak na magmamarka ang kanyang performance mapa-pelikula man ito o mapa-teleserye. Bukod dito  kaabang-abang din ang kanyang mga sagot sa tuwing iniinterbyu siya. Palibhasa diretsong magsalita kaya pasabog ang kanyang mga pahayag. Gaya na lamang sa huling guesting nito sa Gandang Gabi Vice na kung saan nabanggit niya na nag-live in sila noon ni Derek Ramsay. Honestly, ngayon ko lang ito nalaman.

Meanwhile, her versatility as an actress makes her as one of the most-in demand artists in showbiz.

Sa kanyang henerasyon, siya lang ang alam kong aktres na bida-kontrabida at comedienne. Yes, she may not be a blockbuster queen; but her movies are not flop either. Maging siya mismo alam niya ito. At aminado siya na hindi naman siya showbiz queen. Sa isa niyang interbyu noon, wala raw siyang ilusyon na maging reyna ng ABS-CBN dahil ang gusto lang niya ay magtrabaho.

Kahit hindi siya "reyna", hindi naman siya nawawalan ng project. Tuwing Linggo, nagpapatawa siya sa Banana Sundae. At araw-araw na siyang napapanood sa bago nitong telseryeng Playhouse kasama si Zanjoe Marudo. At may bago pa siyang pelikula kasama si Carlo Aquino - Exes Baggage na showing na ngayon.

Pero sa kabila ng kanyang galing at pagiging loyal sa Kapamilya network, bakit inilagay siya sa morning block? Just asking...

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 09179256177 or email us at justasking_pj@yahoo.com