Angelica, Carlo nagkabalikan na?

September 28, 2018
Angelica Panganiban and Carlo Aquino

MARAMI ang naniniwala (including this writer) na nagkabalikan na ang ex-couple na sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino. Ito’y mahahalata sa mga kilos ng dalawa na ang turingan ngayon ay higit pa sa magkaibigan lamang.

Sa iba’t ibang panayam sa dalawa, hindi nila ikinakaila na hindi pa rin umano nawawala ang kanilang pagmamahal at respeto para sa isa’t isa kahit dumaan sila ng ilang taong paghihiwalay at naugnay na sa iba.

Parehong single ngayon sina Angelica at Carlo na lalong nagpalakas ng paniniwala ng marami na muling nagkabalikan ang dalawa laluna nang sila’y pagtambalin sa first movie nila together, ang “Exes Baggage” na dinirek ni Dan Villegas at dinudumog ngayon sa mga sinehan.  Mapapasama rin si Carlo sa bagong simulang comedy-romance morning TV series nina Angelica at Zanjoe Marudo, ang “Playhouse”.

Second year high school pa lamang noon sina Angelica at Carlo nang sila’y maging magkasintahan na umabot nung pareho na silang nasa college.  Inamin ni Carlo na siya umano ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sila ni Angelica.  Inamin naman ni Angelica na si Maja Salvador umano ang ipinalit sa kanya ni Carlo.

Ngayong pareho nang nag-mature sina Angelica at Carlo, mas alam na siguro nilang alagaan ang kanilang relasyon kung saka-sakali.  Pareho na rin silang nasa marrying age. Thirty three na si Carlo at 31 naman si Angelica.

Marami ang humuhula na baka sa kasalan na mauwi ang relasyon nina Angelica at Carlo.

Kaya?