6,199

Angelica and Carlo on the rebound

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 1296
Angelica Panganiban Angelica Panganiban

ESTRANGED sweethearts Angelica Panganiban and Carlo Aquino separated about thirteen years ago when both were still in their teens.

Nineteen si Carlo at eighteen naman si Angelica nang sila’y magkahiwalay but the two remained friends.

Si John Lloyd Cruz ang huling nakarelasyon ni Angelica pero nagkahiwalay sila nung 2016. Matagal namang naka-relasyon ni Carlo ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Kristine Nieto pero nagkahiwalay din sila last year. Kaya pareho na silang nasa single status ngayon.

Nung nakaraang Valentine’s Day ay nagpadala ng flowers si Carlo kay Angelica at sinorpresa pa niya ang huli sa book launching ng “Para kay Ex” na sinulat ni Beau Ang at kung saan si Angelica ang nagsulat ng foreword na ginanap sa Trinoma nung nakaraang February 24 na nagpakilig sa kanilang mga tagahanga. Now, people are pushing na sana’y magkabalikan ang dalawa. Dito rin nag-ugat para mag-isip ng isang proyekto para kina Angelica at Carlo either sa pelikula o TV series na lalong ikinatuwa ng fans.

Sa mga panayam kay Carlo, inamin nito kung gaano ka-espesyal si Angelica sa kanya at mananatili umano ito kahit hindi sila ang mag-end-up sa huli. Pero sa mga ipinapakitang moves ni Carlo, mukhang gumagawa ito ng paraan na ma-win back ang dating kasintahan at tila bukas naman sa posibilidad si Angelica, who at 31 ay handa nang umibig muli.

And it seems na handa na rin si Carlo na bumuo ng sarili niyang pamilya.

IAN NANALONG BEST ACTOR SA PORTUGAL

MULA sa kanyang two successful projects sa bakuran ng ABS-CBN, ang hit movie na “Acky Breaky Hearts” na tinampukan nina Ian Veneracion, Jodi Sta. Maria at Richard Yap in 2016 at ang hit primetime TV series na “A Love to Last” na pinagtambalan nila ni Bea Alonzo nung isang taon, napakagandang regalo sa taong 2018 ang dumating sa 43-year-old actor, sportsman, painter, pilot, celebrity endorser at family man na si Ian Veneracion, ang kanyang kauna-unahang acting award.

Ang maganda pa, international Best Actor award ang nakuha ni Ian dahil sa kanyang mahusay na pagkakaganap sa indie movie na “Ilawod” na dinirek ni Dan Villegas. Ito’y nagmula sa ika-38th year ng Oporto International Film Festival sa Portugal kung saan tatlong Filipino films ang kalahok at kasama na rito ang “Bhoy Intsik” na dinirek ni Joel Lamangan at siya namang pinarangalan ng Special Jury Award. Ang isa pang Filipino entry ay ang “Ang Manananggal sa Unit 2B” na dinirek ni Prime Cruz under IdeaFirst Company ng mag-partner na Jun Lana at Perci Intalan.

Thirty-seven years ang ipinaghintay ni Ian bago siya nakatanggap ng kauna-unahang Best Actor award. Sayang nga lamang at hindi niya ito personal na natanggap but was accepted for him ng director ng pelikula na si Dan Villegas last March 4.

BEST FRIENDS NA MULA SA MAGKAIBANG NETWORKS

KUNG ang mag-best friends na sina Angelica Panganiban at Glaiza de Castro ang tatanungin, walang network war sa kanilang dalawa kahit pa kabilang silang dalawa sa magkalabang TV network.

Ito rin ang nangyayari ngayon sa dating high school classmates at best friends na sina Julia Barretto at Gabbi Garcia na nasa magkabilang TV station din, ang una sa ABS-CBN, ang huli, sa GMA7.

Hindi mahaharangan ng network rivalry ang pagkakaibigan nina Angelica at Glaiza ganundin sina Julia at Gabbi.

FRANCINE NAKABUO NG IBANG PAMILYA

MASAYA ang singer-actress-entrepreneur na si Francine Prieto dahil nagtapos ang kanyang kinabilangang afternoon TV series na “Haplos” ng GMA na consistently rating mula sa pagsisimula nito nung July 10, 2017 hanggang sa pagtatapos nito nung nakaraang February 23, 2018.

Ayon kay Francine, nakabuo sila ng isang `pamilya’ sa bumubuo ng “Haplos” na tumagal sa ere ng mahigit pitong buwan. Mula sa direksiyon ni Gil Tejada, ang “Haplos” ay tinampukan din nina Sanya Lopez, Thea Tolentino, Pancho Magno, Rocco Nacino kasama sina Patricia Javier, Emilio Garcia, Celia Rodriguez, Maria Isabel Lopez, Lotlot de Leon, Lito Legaspi, Kim Rodriguez at iba pa.

Since walang TV network contract si Francine, malaya siyang magtrabaho sa bakuran ng ABS-CBN at GMA.

BANGS TATLONG BESES IKINASAL BAGO NAGKAANAK

ALAM ba ninyo na tatlong beses ikinasal ang actress-painter na si Bangs Garcia sa kanyang Fil-Brit husband na si Lloyd Birchmore? Una sa isang civil wedding in England, pangalawa sa kanyang isang church sa Pilipinas at pangatlo sa kanilang beach wedding in Boracay in January 2017 kung saan sila unang nagkakilala in January 2015 at doon din sila na-engaged in January 2016 on same spot kung saan sila nag-met.

Ang mag-asawa ay naka-base na ngayon sa London at meron na silang anak, ang more than three months old na si Amelia na isinilang ni Bangs sa London nung December 5, 2017.

Parehong hands-on parents ang couple na sina Bangs at Lloyd.

Kapag nasa trabaho si Lloyd ay si Bangs ang kakatutok kay Baby Amelia.

While she misses showbiz, hindi ikinakaila ni Bangs na kakaibang joy ang kanyang nararamdaman ngayon ngayong may sarili na siyang pamilya.

MEGAN AT MIKAEL NATAKOT MAGKATRABAHO

SEVEN years nang magkasintahan ang kauna-unahang Miss World na si Megan Young at ang kanyang kapwa Kapuso actor na si Mikael Daez na magkatrabaho for the very first time sa panghapong serye, ang “The Stepdaughters”.

Mas ganado ang mag-sweetheart na magkatrabaho dahil bukod sa regular silang nagkikita sa taping ng serye, they have more time to bond at pareho silang supportive sa kanilang respective roles.

Hindi ikinakaila ng magkasintahan na natakot din sila na magkasama sa trabaho dahil baka raw mag-away sila at mag-suffer ang kanilang work.

But so far ay lalo lamang umano nakabuti sa kanilang dalawa ang pagiging co-stars ng isang serye.