7,393 guests

Angel, tumutulong na, bina-bash pa

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 1374

CONSISTENT ang aktres na si Angel Locsin sa kanyang pagiging aktibo sa kawanggawa in her own personal capacity na hindi masyadong nababalitaan.  May ibang tao ang gumagawa ng paraan para malaman ng publiko ang ginagawa niyang pagtulong tulad na lamang para sa evacuees ng war-torn Marawi City.

Si Angel pa lamang ang kauna-unahang personalidad na dumalaw sa evacuation center sa Iligan City para tumulong.
    
Bukod sa kawanggawa, malapit kay Angel ang Marawi City dahil ang kanyang ina ay inampon noon ng isang Muslim princess sa nasabing lugar at ang kanyang kinilalang lolo ay isa sa mga sultan ng nasabing siyudad kaya si Angel ang kabilang sa isang Muslim Royal family sa Marawi.
    
Balitang nananawagan si Angel ng patuloy na tulong ng relief goods para sa mga bakwit at umaasa siya na sana’y magwakas na ang giyera sa Marawi at magkaroon na ng kapayapaan sa buong Mindanao.

Sa kabila ng ginagawang ito ni Angel, may mga bashing pa siyang natatanggap mula sa mga walang magawang maganda sa social media.
    
Samantala, simula ngayong gabi ng Lunes ay mapapanood si Angel along with her former “Imortal” co-star na si John Lloyd Cruz sa early part ng magsisimulang horror-action-drama TV series na “La Luna Sangre” na pangungunahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kasama ang bagong Kapamilya na si Richard Gutierrez.

ISA NA NAMANG MUSIC ICON, PUMANAW

IT was only last April 16, 2017 nang sumakabilang-buhay ang music icon na si Willy Cruz at nitong Sabado, June 10 ng alas-4:30 ng hapon ay isa na namang haligi ng music entertainment ang pumanaw, ang singer na nagpasikat ng classic hit song na “Gulong ng Palad” na si Eugene Villaluz dahil sa prostate cancer na na-diagnose lamang last April.  Eugene was 70.
    
Si Eugene ay isa sa mga founder at original member ng The New Minstrels along with Ding Mercado na sa Hong Kong na naka-base.  Hindi nagtagal ay nagdagdag sila ng ibang members sa grupo tulad nina Basil Valdez, Hajji Alejandro, Louie Reyes, Pat Castillo, Jacqui Magno, Chad Borja at Joey Albert.  All of them eventually went solo at lahat nagtagumpay sa kanilang respective solo careers .  Si Eugene ay naging recording artist ng OctoArts International  ni Orly Ilacad na siyang nagbigay sa kanya ng kanyang kauna-unahang solo hit song, ang “Gulong ng Palad” na kinompos ng yumaong director ng TV soap opera na may ganoon ding pamagat na tinampukan noon nina Marianne de la Riva, Ronald Corveau, Romnick Sarmenta, Caridad Sanchez at iba pa.
    
We’ve known Eugene since his OctoArts days and we’ve known kung gaano siya kabait at ka-professional sa trabaho.
    
Samantala, ang awiting “Gulong ng Palad” ay ni-remake ng ibang singers at kasama na rito sina Nora Aunor, Eva Eugenio at Renz Verano.
    
To the family of Eugene, ang aming taos-pusong pakikiramay.

LOUIE, WALA NANG INTERES SA PAGKANTA

MUKHANG hindi na interesado sa kanyang singing career ang dating hitmaker na si Louie Heredia of “Tanging Ikaw” and “Can’t Find No Reason” fame. Ayaw na niya itong ipagpatuloy kahit marami pa ang interesadong makuha ang kanyang services bilang isang mang-aawit at concert performer.
    
Hindi namin naitanong kay Louie kung ano ang pinagkakaabalahan niya magmula nang kanyang talikuran ang pagkanta.  Although may suspetsa kami na involved ito ngayon sa kanilang family business.

Napilit lang siya ng "ASAP' ng ABS-CBN through Winnie Mariano na lumabas kahapon para tanggapin ang award na ibinigay ng show sa kanya. Kung ikukumpara sa siya sa ibang kapanabayan, mukhang naging mabait ang mga taon sa kanya.

KIM, NAMI-MISS ANG SHOWBIZ

REMEMBER former teenstar, Kim de Los Santos ng “TGIS” at “That’s Entertainment” ng GMA?
    
Taong 2004 nang umalis ng Pilipinas si Kim patungong New Jersey, USA para doon na mamirmihan matapos silang maghiwalay ng dati niyang ka-loveteam at  naging mister na si Dino Guevarra na meron na noong isang anak sa dating karelasyon.
    
Nasa Amerika naka-base  ang pamilya ni Kim at kamakailan lamang sumakabilang-buhay ang kanyang ama.  Mula New Jersey ay lumipat si Kim sa Sugarland, Texas noong isang taonkung saan siya nagkaroon ng double job.  Isa siyang licensed practical nurse at balak niyang bumalik sa school para tapusin ang nursing para maging isang registered nurse
    
A couple of years back ay na-engaged si Kim kay Ben-G Manaois sa Amerika pero nauwi ito sa hiwalayan. Gayunman, nananatili umano silang magkaibigan hanggang ngayon.
    
Hindi ikinakaila ni Kim na nami-miss niya ang showbiz at ang kanyang mga kaibigan dito.

JANELLA AT ELMO, SUSUBUKAN SA PELIKULA

KAYA na bang magdala ng pelikula ang rumored sweethearts at magka-loveteam na sina Janella Salvador at Elmo Magalona?  Ito ang tanong ng karamihan dahil may movie na ginagawa ngayon ang dalawa for Regal Entertainment na pinamamahalaan ng The Idea First Company ng couple na sina Direk Jun Lana at Perci Intalan at ang huli ang director ng “My Fairy Tail Love Story” kung saan gumaganap na mermaid si Janella.  Kilala ang Regal  sa pagsusugal sa mga baguhan.
    
Sina Janella at Elmo ay may bagong sisimulang teleserye, ang “Kung Kailangan Mo Ako” under Dreamscape Entertainment.  Makakasama nila rito si Joshua Garcia at ang loveteam nina McCoy de Leon at Elisse Joson.

BAMBOO, WALANG BALAK MAG-ARTISTA

ANG dating Rivermaya frontman na si Bamboo Manalac ay kai-isang male coach ng “The Voice Teens” kung saan ay kasama niya sina Sharon Cuneta, Lea Salonga at Sarah Geronimo.  Kahit magkakaiba ang personalidad at opinion ng apat na coaches, nakakatuwa silang panoorin at halatang nagi-enjoy silang apat sa kanilang ginagawa.
    
At 42, never na kinonsider ni Bamboo ang acting job tulad ng ibang singers na nag-cross over sa acting.
    
Ang  Sen. Chiz Escudero look-alike na si Bamboo is married with two kids.