5,992 guests

Angel on Neil: My source of happiness

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 335
Angel Locsin, Neil Arce Angel Locsin, Neil Arce

SA mga post niya sa Instagram, mukhang sigurado na nga na in love na si Angel Locsin sa businessman-movie producer na si Neil Arce.

Ayon sa aktres, sa paglingon niya sa 2017, ang kanyang relasyon kay Neil ang “best part" na nangyari sa 12 buwang nakaraan.

Nag-post (late) pa nga siya ng isang larawan nila ni Neil habang magkayakap sila na kinunan noong um-attend sila sa kasal ng kaibigang Anne Curtis at Erwan heussaff sa New Zealand noong November.

"Falling in love with you was the best part of my 2017," ayon sa kanyang caption, at idinugtong na: "Excited to share my 2018 with you."

May sweet message din si Neil para kay Angel, isang pangako na gagawin niya ang lahat para maging “forever” na ang kanilang relasyon.

Walong taon nang magkaibigan sina Angel at Neil hanggang maramdaman nilang umakyat na ito sa mas mataas na level. Wala pa mang kumpirmasyon na ginagawa ang dalawa pero ayon kay Angel, si Neil ang “source of happiness” niya ngayon.

“Happy kami kung ano kami. We’re very happy. Hindi kami nagmamadali pero sigurado naman kami sa isa’t isa,” ayon kay Angel sa isang panayam.

VICE GOVERNOR JOLO AT JODI, MASAYA ANG BAGONG TAON
    
MUKHANG maganda na rin ang Bagong Taon ng magkasintahang Jodi Sta. Maria at Cavite Vice Governor Jolo Revilla.
    
Sa isang Facebook post ni Jolo nitong nakaraang New Year, ipinakita niya ang isang larawan kung saan sila magkasama ni Jodi, kasama ang pagbati ng isang masaganang Bagong Taon.
    
"Salubungin po natin ang bagong taon nang punong-puno ng pagasa, pagmamahal, at pagkakaisa," sabi ni Jolo habang nakaakbay kay Jodi.
    
Kung matatandaan, naghiwalay ang dalawa noong 2016. Pero nitong nakaraang taon, muli silang nagkabalikan. Ang masaya pa, nagkasama sila sa Singapore ng pamilya ng dating mister ni Jodi na si Pampi Lacson at asawa nito ngayon na si Iwa Moto, pati ng kanilang mga anak noong nakaraang Oktubre.
    
"Blessed. Loved. At peace. Favored. By His grace only. With God, nothing is impossible. He takes all of our broken pieces and puts them back together beautifully," Sta. Maria wrote.
    
Kasama rin ni Jolo si Jodi sa pagsalubong noong Christmas eve sa amang si dating senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. nang bigyan ito ng 10-hour furlough ng Sandiganbayan para makasama ang pamilya nito sa ancestral home nila sa Bacoor, Cavite.
    
Sa ngayon, wala pa silang pahayag kung puwede na silang pakasal.

KASAL NINA BILLY AT COLEEN, ‘DI NA MAPIPIGILAN
    
TULUY na tuloy na ang kasal nina Billy Crawford at Coleen Garcia ngayong darating na summer.
    
Lumipad ang dalawa sa Ethiopia para sa isang bridal shoot para sa The Wedding Library.
    
Tiyak na napakaganda ni Coleen sa naturang shoot, habang dapper naman si Billy.
    
Sa isang exclusive for members island only (Balesin?) gaganapin ang kanilang kasal.
    
Patuloy pa rin ang dalawa sa kanilang respective career. Kasama si Coleen sa high rating morning drama sa ABS-CBN na Ikaw Lang ang Iibigin kabituin sina Gerald Anderson, Kim Chiu at Jake Cuenca, samantalang namamayagpag pa rin si Billy bilang host ng It’s Showtime at Little Big Shots, parehong sa ABS-CBN.

MELAI AT JASON, MAGKAHIWALAY PERO MAAYOS ANG PAGSASAMA
    
MAGKAHIWALAY pero maayos na ang pagsasama nina Melai Cantiveros at Jason Francisco.
    
Nagdiwang sila ng Pasko sa kanilang bahay sa Calapan, Mindoro (hometown ni Jason) kasama ang kanilang dalawang anak na sina Mela at Stela.
    
Magkahiwalay sila dahil lumipat nang GMA7 si Jason, samantalang nananatiling nasa Kapamilya network si Melai (Magandang Buhay).
    
May negosyo na rin sila bilang rice dealers sa Mindoro.