Andi, wala pang balak pakasalan ang bagong BF

October 20, 2018
Andi Eigenmann and Philmar Alipayo
Andi Eigenmann and Philmar Alipayo

Happy naman si Andi Eigenmann na okay na okay na ang relasyon nila ni Jake Ejercito ngayon na ama ng kanyang anak na si Ellie.

“We’re not friends, but I mean, as parents, we’re... I would say we’re really good,” ani Andi.

In fact, salitan nga raw sila ng pag-aalaga kay Ellie since may mga time na nasa Siargao siya. Sa Manila kasi nag-aaral ang bagets kaya nagkasundo sila ni Jake na tig-two weeks sila sa bata.

“When the time that she’s with me, I have to be here (in Manila). Nagsa-Siargao lang po ako ’pag nandu’n siya sa daddy niya,” sey pa ng aktres.

Pero pag bakasyon or Christmas or may mga okasyon, she brings her daughter with her. Lagi nga raw niya itong sinasama sa Siargao at enjoy na enjoy din daw ang bagets.

Sinabihan nga rin daw niya si Jake na pumunta rin sa Siargao.

“I actually did personally tell Jake that, ‘you know, you should come to Siargao, it’s really fun.’ Because I want them also to be more comfortable of the idea that my daughter has a life there, has friends there.”

Sobrang happy rin daw talaga kasi si Ellie sa Siargao at umiiyak pa nga raw kapag hindi niya masama dahil may pasok ito.

Tubong Siargao ang current boyfriend ni Andi, ang champion surfer na si Philmar Alipayo. Three months pa lang daw ang relasyon nila and now, she can say na medyo seryoso na ito lalo pa nga’t hindi na rin siya bumabata.

Okay din daw ang relasyon ni Philmar kay Ellie at tinuturuan daw niya ang bagets na mag-surf.    

May plano na ba of settling down?

“Go with the flow. Wala akong plans. I only know where I wanna be, I only know that I’m happy with my life at the moment and that’s it. But things can change tomorrow or in 10 years and that’s okay, still -- if I change my mind.”

And someday, aniya ay sa Siargao na raw niya talaga gustong manirahan pero hindi naman daw niya iiwanan ang pag-arte.

Sa ngayon, Andi has a new movie, ang All Souls Night na showing na sa October 31 hatid ng Viva Films, Aliud Entertainment and ImaginePerSecond Productions.