Andi, nasarapan sa buhay promdi

October 22, 2018
Andi Eigenmann

AYON sa bid ang All Souls Night na si  Andi  Eigenmann, excited na siyang mapanood ang kanyang horror  movie na ipapalabas on Oct. 31 mula sa Viva Films.

“I’m really looking forward to watching the film myself because I know that this is going to be one for the books and set the standard in terms of horror movies in the Philippines,” sey pa niya.

Sa Siargao na ngayon madalas mag-stay si Andi kasama ang boyfriend na si Philmar Alipayo who is a professional surfer.

Kumusta naman ang pagiging probinsyana?

“Ay, ang sarap-sarap ng buhay. Simple lang,” bulalas pa niya.

“I feel so lucky. I feel like the richest person in the world that I’m surrounded by such beauty. Living in Siargao has made me appreciate being away from the city so much more and I feel so blessed that I live in paradise,” dugtong niya.

Simple at masaya rin daw ang kanyang love life ngayon sa piling ng boyfriend.

“Ang boyfriend ko kasi komedyante. Walang dull moment. Palagi lang kaming masaya.”

Sa tingin ba niya tatagal siya sa paninirahan sa Siargao?

“Opo. Kasi for the first time, ’yung mata ko nakita at parang it’s the first time that I felt contentment. I got a glimpse of my future and I said, this is the kind of life I wanna live.

“When I still working, sabi ko, I want to achieve my dreams – I wan to buy a beach house. I want to move away and be so rich that I can afford that. But then, I realized at this age that I don’t need to be rich to achieve that.  I can do it now in my own terms. Hay, ang sarap ng buhay,” huling sambit ni Andi.