Andi nagpapatayo ng bahay sa Baler, may negosyo sa Siargao

October 16, 2018
Andi Eigenmann

Isang taon ding namahinga si Andi Eigenmann sa paggawa ng pelikula. Akala nga ng lahat, titigil na siya sa show business at tuluyan nang titira sa probinsya.

Hindi pala ito totoo dahil may bago siyang pelikula sa Viva Films, ang horror film na All Souls Night na likha ni Yam Laranas at mula sa direksyon nina Aloy Adlawan at Jules Katanyag.

Sa grand mediacon kahapon, si Andi mismo ang nagklaro na hindi siya tumitigil sa pag-aartista, wala   lang daw offer.

“I haven’t done a movie for one year hindi dahil sa ayaw ko. Parang naghihintay lang talaga ako ng project na worth it for me to really just like stay put here in Manila and get busy with work, especially given that if I’m here and with my daughter has school, mahirap po kasi kapag araw-araw ’yung shooting.

“Pero because, of course, I trust Viva and Direk Yam, Direk Aloy and Direk Jules, they’re able to present me a story that I know I would have fun doing and at the same time, meeting them, I was excited to work with them as artists and as people,” pahayag ni Andi.

Hindi naman itinatanggi ng aktres na gusto niya ang buhay-probinsiya mula bata pa siya.

Sa ngayon, mas matagal na ang inilalagi niya sa Siargao at sa Baler.

“But it doesn’t mean that acting is something that I can ever quit or leave forever,” sey niya.

‘”Yung acting, that’s my passion, that’s something that I just really love to do and this movie, basically, it spoke to me in such a way that it presented values that I believe in or that I want to help send a message to people.”

Sa ngayon, nagpapatayo siya ng bahay sa Baler. Pero lately, mas madalas daw siya sa Siargao dahil  sa pinatayong negosyo, isang vacation rental (airbnb).

Bukod dito, taga-roon ang surfer champ-boyfriend niyang si Philmar Alipayo.

Pabalik-balik siya sa Manila dahil dito nag-aaral ang anak niyang si Ellie na nasa Grade 1.

Tuluy-tuloy na ba ang pagbabalik niya sa showbiz?

“Hindi ko rin po masasabi kung tuluy-tuloy na, pero kung may offer na sunud-sunod na magaganda, then, that would be really great, I would not say no to that,” she said.

Showing na ang All Souls Night sa Oct. 31 bilang Halloween presentation ng Viva Films, Aliud Entertainment at ImaginePerSecond Productions.