Anak nina Vic at Pauleen, center of attraction

November 09, 2018
Vic Sotto, Pauleen Luna with Baby Talitha
Vic Sotto, Pauleen Luna with Baby Talitha

LAST November 6 (Tuesday) ang first birthday ng unang baby ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto na si Talitha Maria Luna Sotto pero isang intimate get-together lamang ang naganap na dinaluhan ng iba pang anak and their respective partners ng TV singer-composer and TV host-comedian and producer na si Vic Sotto.  Pero ang big party ni Tali (palayaw ng bata) ay magaganap ngayong Sunday, November 11.  Malamang na ito’y maging joint birthday celebration ng mag-inang Pauleen at Tali dahil 30th birthday naman ni Pauleen on Saturday, November 10.

Since si Tali ang youngest baby sa Sotto clan, ito umano ang center of affection sa kanilang pamilya ngayon.  Maging ang mga nakatatandang kapatid (sa ama) ni Tali ay lokong-loko sa kanya laluna si Paulina Sotto-Llanes na wala pang baby with husband na si Jed Lllanes.

Pagkatapos ng magkasunod na kaarawan nina Tali at Pauleen, haharapin naman ni Bossing (Vic) ang promo ng kanyang upcoming Metro Manila Film Festival movie with Coco Martin and Maine Mendoza, ang “Jack Em Popoy: The PulisCredibles”.  Ang nasabing pelikula ay joint venture ng M-Zet Films ni Vic Sotto, CCM Productions ni Coco at APT Entertainment ni G. Tony Tuviera.