Anak ni Joko, may kondisyon bago mag-artista

October 27, 2018

Pumasok na rin sa showbiz ang dalagitang anak ni Joko Diaz na si Ashley Diaz, 14 years old. Pumirma siya ng kontrata sa Viva Artists Agency (VAA) last Monday kasama ang kanyang mga magulang na masayang-masaya rin for her.

Ayon kay Ashley, since 3 years old ay commercial model na siya pero recently lang daw talaga siya nagka-interes na pasukin ang pag-aartista kaya sinabi raw niya ito sa kanyang parents.

Ano ang naging main reason para magka-interes siya na pumasok sa showbiz?

“Si Papa po, ’yung mga movies niya, idol ko siya,” sabi ni Ashley na may hawig kay Nadine Lustre at Liza Soberano.

Ang una raw sinabi ng kanyang ama nang sabihin niyang gusto niyang mag-artista ay “kaya mo ba?” Pero good thing, sinuportahan naman daw agad ng Mama at Papa niya ang kanyang kagustuhan.

Ayon kay Joko, may kundisyon daw siya sa anak sa pagpasok nito sa showbiz. Kailangan daw ay hindi nito mapabayaan ang pag-aaral. Nangako naman ang bagets na talagang ang priority niya pa rin ay ang studies. Currently ay Grade 9 na ang bagets sa St. Bridget College sa Batangas City kung saan sila naninirahan.

Ngayong contract star na siya ng VAA, sobrang saya raw niya at ang goal daw niya talaga is to make her parents proud. Marunong ding kumanta ang bagets kaya singing and acting daw ang gusto niyang linyahan.

Sa ngayon ay sasailalim muna si Ashley sa mga acting workshops and training bago siya tuluyang isabak sa anumang proyekto.