4,600 guests

Alsa-balutan

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 577

Nakakalulang koleksyon ng mamahaling bags at alahas, ipinarada ni Sharon!

NAKAKALULA ang koleksyon ng mamahaling bags ni Sharon Cuneta. Na-preserve niya ang mga ito sa tulong ng anak na si KC Concepcion na nagrekomenda ng Electronic Dry Cabinets para hindi mabahiran ng moisture ang loob at magdikit ang mga leather.

Take note na fraction lang ng bags niya ang inilantad ni Shawie sa kanyang Instagram account, huh!
    
Bukod kasi sa books at magazines, bag lang ang bisyo ng megastar.
    
’Yung iba ay pamana ng yumaong inang si Elaine Cuneta at ’yung ibang bags ay pinamana na niya kina KC at Frankie.
    
Naglilipat ngayon si Sharon base na rin sa caption niya sa IG. Permanente na silang titira sa kanilang condo unit.
    
Kaya naman unti-unti na siyang nag-aalsa-balutan.
    
Ipinakita rin ng megastar ang fire-proof safe boxes na naglalaman ng kanyang mga alahas, importanteng dokumento, love letters, photos, negatives, etc.             Hindi na nga lang niya pinost ’yon sa  IG. Take note na six-seven feet ang safe boxes kaya imadyinin ninyo kung gaano karami ang laman ng bawat box.
    
Ipinakita rin ni Shawie ang correspondence na natanggap niya mula sa tinutulungang organisasyon na World Vision.
    
Sa sangay nito sa bansa, ilang bata ang tinutulungan niya. Pagdating naman sa ibang bansa, nag-sponsor na rin siya ng mga bata sa Sri Lanka, India, Africa at iba pa.
    
Kahit marami raw siyang binabayaran, “’Di puwedeng tumigil sa pagtulong sa kanila,” bahagi ng caption ni Sharon.
    
Sa bandang huli, hinikayat din niya ang iba na mag-sponsor ng kahit isang bata sa ilalim ng World Vision.

* * *

MABAGSIK ang labanang matutunghayan sa pagwawakas ngayong gabi ng Mulawin vs. Ravena.  Ginastusan nang todo ng GMA Network ang huling gabing ito ng telefantasya nang sa gayon ay maging memorable ang maiiwan sa isipan ng manonood.
    
Komo lumutang na sa series ang young loveteams ng GMA na sina Derrick Monasterio-Bea Binene at Miguel Tanfelix-Bianca Umali, naiintriga tuloy ang fans nila kung may nabuo nang romansahan sa kanila.
    
Eh, ’yung wedding scene ng characters nina Miguel at Bianca, feeling ng ilang nakapanood, totoo ’yung binitiwang dayalog ni Miguel kay Bianca na, “Mamahalin kita habambuhay.”
    
Sina Bea at Derrick naman, ramdam na ramdam na may nabuo silang relasyon dahil sa kanilang malalagkit na titigan on and off cam, huh!
    
Magpatuloy man ang romansahan nila after ng MVR, ’wag na nating basagin ang trip nila.