‘Alpha’ nina Allen at Direk Brillante, wagi ng Special Jury Prize

September 30, 2018
Brillante Mendoza

Hindi uuwing empty handed ang kinatawan ng ’Pinas sa 66th San Sebatian International Film Festival (SSIFF) dahil bitbit ng Alpha: The Right To Kill, pelikulang dinirehe ni Brillante Mendoza at pinagbibidahan ni Allen Dizon, ang karangalan bilang Special Jury Prize winner sa katatapos na awards night ng isa sa A-list film festivals sa buong mundo.

Ang Special Jury Prize sa SSIFF ang itinuturing na second highest award sa naturang festival.

Ang pelikulang Entre Dos Aguas (Between Two Waters) mula sa Spain ang itinanghal na Golden Shell for Best Film na dinirehe ni Isaki Lacuesta.

Ang itinanghal na Silver Shell for Best Director ay nasungkit ni Benjamin Naishtat para sa pelikulang Rojo.

Ang coveted Silver Shell for Best Actress ay nakuha ni Pia Tjelta ng Blind Spot mula sa Norway; at Silver Shell for Best Actor ay naiuwi ni Dario Grandinetti for his performance in Rojo.

Ang Jury Prize for Best Cinematography ay napanalunan ni Pedro Sotero ng pelikulang Rojo; at Jury Prize for Best Screenplay ay nakuha ng mga pelikulang Yuli (Paul Laverty) at L’Homme Fidèle/A Faithful Man (Louis Garrel & Jean Claude Carrière) na nagmumula sa France.

Ang official jury ng SSIFF ay kinabibilangan nina Alexander Pyne (President), Bet Rourich, Agnes Jonansen, Nahuel Perez Biscayart, Constantin Posecu at Rossy de Palma.