5,362 guests

Alma, Joey at Mark, ’di makakasama ni Winwyn sa Bolivia

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 594
Wynwin Marquez with Miss World Phil. beauties Wynwin Marquez with Miss World Phil. beauties

Si Marian Rivera ang date ni Dingdong Dantes sa premiere night ng Star Cinema movie na Seven Sundays, si Liza Soberano ang date ni Enrique Gil at si Charlene Gonzalez ang date ni Aga Muhlach.

Comment tuloy ng netizens, nagkita-kita sa event ang dalawang gumanap na Dyesebel (Charlene at Marian) at ang dati at bagong gaganap na Darna (Marian at Liza).

Swerte ang fans na nasa premiere night dahil hindi lang ang cast ng movie ang kanilang nakita, kundi pati ang naggagandahang sina Charlene, Liza at Marian.

Samantala, may mga bagong endorsement si Marian at isa na rito ang Kultura Filipino.

Gaya ni Heart, na brand ambassador ng Carolina Herrera, tanong ng fans kay Marian kung makikita pa siyang suot ang branded clothes at bags ngayong endorser na siya ng Kultura Filipino.

Dahil pala sa Super Ma’am na malakas ang appeal sa mga bata, tiyak na may  darating pang endorsements si Marian na pambata.
    
Gusto ng mga batang viewer ng show ’pag nagiging Tamawo slayer ang karakter ni Marian dahil sa fight scenes. Pero love rin nila ito ’pag naka-Minerva look na frizzy ang hair at nakasalamin.

* * *

Napanood namin ang video ni Winwyn Marquez na naka-post sa Instagram (IG) tungkol sa pagiging representative niya ng Pilipinas sa Reina Hispanoamericana. Kinunan sa Intramuros ang video kung saan ipinakilala ang sarili sa salitang Spanish. Pinasalamatan ni Winwyn ang mga nag-like ng video na sa two days ay more than 200,000 na.
    
Patuloy lang daw mag-like para makapasok siya sa semi-finals.
    
Pinost din ni Winwyn sa IG ang pagpi-feature sa kanya ng isang newspaper sa Bolivia, malaki ang picture niya at nakasulat ang “La Reina de Asia.”
    
Nag-comment si Winwyn ng, “It’s such an honor to be the first ever Filipina and only Asian to compete in this prestigious pageant.”
    
Sayang lang at hindi masasamahan ni Alma Moreno si Winwyn sa Bolivia dahil hindi pinayagan ng kanyang doctor. Ganu’n din si Joey Marquez dahil baka atakihin daw ng asthma.
    
Hindi rin puwede ang BF niyang si Mark Herras dahil may gagawing bagong show sa GMA-7. Ang kapatid na si Yeoj ang kasama ni Winwyn sa pag-alis niya sa October 29 para sa November competition.
    
Isa pala si Winwyn sa winners ng Miss World-Philippines na pumirma ng movie contract sa Regal Entertainment nu’ng Tuesday.
    
Pagbibidahan nila ang pelikulang Palibhasa Babae kasama sina Miss World-Phil. Laura Lehmann, Miss Eco International Cynthia Tomalla, Miss Multinational Phil. Sohpia Senoron, Miss Multinational Phils., First Princess Glyssa Leiann Perez at Second Princess Princess Zhaniethia Jimenez.
    
Naunang naging atista si Winwyn bago maging beauty queen, kaya natutuwa na after the competition, may naghihintay sa kanyang project.
    
Under negotiation naman ang contract niya sa GMA Network, pero bago balikan ang showbiz, win or loss sa competition, magbabakasyon muna siya sa New York.

* * *

First movie at introducing si Maxine Medina sa horror film ng OctoArts Films na Spirit of the Glass 2: The Haunted.
    
Ginagampanan ni Maxine sa pelikula ang role ni Chelsea, a popular model for mainstream and viral advertising. Si Benjamin Alves ang kapareha niya sa movie na showing sa November 1.
    
Tanong pala ng fans kay Direk Joey Reyes kung may mga eksenang naka-swimsuit si Maxine sa pelikula. Sa social media account kasi niya, ang daming photos ni Maxine na kung ’di naka-one-piece ay naka-two-piece at reklamo ng kanyang fans, bitin sila dahil maliliit ang picture sa Instagram (IG).
    
Sa nabasa naming press release, nakasulat ang “in association with TRex Entertainment.”
    
Ibig bang sabihin, co-producer ng OctoArts Films ang T-Rex?