Alex nangangarap ng isang fun wedding with Mikee

November 03, 2018
Alex Gonzaga
Alex Gonzaga

SINGER-actress-comedienne, TV host,celebrity endorser, author, vlogger, entrepreneur Alex Gonzaga is turning 31 on January 16, 2019 and of age to settle down with her businessman boyfriend of two years na si Mikee Morada sakaling mag-propose ang huli.

Ang Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual ang naging daan ng pagkakakilala nina Alex at Mikee dahil common friend niya ang dalawa.

Mikee, a young businessman himself comes from an affluent family in Lipa, Batangas.  Mikee’s family owns Lipa Bank with more than nine branches nationwide plus other businesses.

Nagtapos si Mikee ng kolehiyo sa De La Salle University in Manila habang si Alex naman ay graduate ng Unviersity of Asia and the Pacific kung saan niya tinapos ang Bachelor of Science in Child Development and Education.

Kung nanaisin pareho nina Alex at Mikee na magpakasal, walang magiging balakid sa kanilang respective families na parehong boto sa kanilang relasyon.

Aminado si Alex na marami umano silang common interest ni Mikee, isang rason kung bakit nagtatagal ang kanilang relasyon.  Katunayan, the couple is now celebrating their second anniversary bilang magkasintahan.  At dahil dito, inunahan na ni Mikee ang kanyang girlfriend sa pagpu-post sa social media: “So thankful for having you as my bestfriend and girlfriend at the same time.  Even though we have our own lives, we end by completing each other’s day.  Happy Anniversary Roti Alex Gonzaga! To many More!”

Ang maganda kay Mikee, tanggap niya ang pagiging komedyana ni Alex.

Inamin naman ng huli na kung saka-sakaling ikasal sila ng kanyang nobyo balang araw, ayaw niya umano ng isang seryosong kasalan tulad ng kanyang ate na si Toni Gozaga at husband nitong si Paul Soriano.  Gusto niyang maging full of fun ang kasal nila  Mikee if ever.  Although sumasagi na rin umano sa kanilang usapan ang kasal, wala pa umano silang kumpletong plano tungkol dito.  Sa ngayon ay ini-enjoy umano nila ng kanyang boyfriend ang kanilang relasyon hindi lamang bilang magkasintahan kundi bilang mag-best friends.

Samantala, masaya si Alex at ang sister nitong si Toni na meron silang entry para sa 2018 Metro Manila Film Festival, ang “Mary, Marry Me” with Sam Milby na pinamahalaan ng first time director na si RC de los Reyes for TEN17 Productions na pag-aari ng mister ni Toni, ang director-producer na si Paul Soriano.  Ito bale ang first time ni Paul na i-produce ng pelikula ang kanyang misis na si Toni with sister Alex at actor na si Sam na minsan ding na-link kay Toni noon.