5,924 guests

AlDub Nation, nabuhayan ng loob!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 519
Maine Mendoza Maine Mendoza

SIGAWAN ang audience sa Broadway Centrum kahapon, January 2, nang magbigay ng message si Maine Mendoza kay Alden Richards sa Eat Bulaga para sa kanyang 26th birthday. Noon kasing New Year’s episode ng noontime show, simple lang ang kanilang batian.

Pero kahapon, mas mahaba-haba na ang sagutan nila kaya naman nabuhay muli ang dugo ng AlDub Nation, huh!

Ang wish naman ni Alden ay stop the hate at panatilihin ang pagmamahalan sa bawat isa.

Pero kahit kaarawan ng Pambansang Bae, hindi pa rin siya nakaligtas sa kantiyaw ng kapwa Dabarkads.

Pinaalala kasing muli sa kanya ang  kanyang yumaong ina na siya talagang nagtulak kay Alden na pumasok sa showbiz nu’ng nabubuhay pa.

Patikim pa lang ang selebrasyon ni Alden dahil sa Sabado, isang pasabog na selebrasyon ang magaganap sa Bulaga.

* * *

SUSULITIN ni Congresswoman Vilma Santos-Recto ang holiday break sa Kongreso hanggang January 11.
    
Nataon din na araw ito ng birthday ng asawa niyang si Senator Ralph Recto kaya sakto ang ending ng kanyang break.
    
Hindi lumayas ng bansa si Cong, Vi nitong Pasko at Bagong Taon.
    
May kasama na ring bonding sa pamilya at mga kamag-anak ang holidays.
    
Once bumalik sa Congress, ratsada na naman si Ate/Cong. Vi bilang lawmaker, huh!