Aldub Nation, buhay na buhay pa.

October 22, 2018
Alden Richards

BUHAY na buhay ang AlDub Nation nu’ng Linggo na dumagsa sa anniversary celebration ng AlDub loveteam sa SMX Convention Center.

Hindi man sabay dumating sina Alden Richards at Maine Mendoza sa venue, naging malambing naman sila sa isa’t isa at nagkaroon pa ng groupie sa ADN na present.

Inihandog ni Alden ang kantang I Will Be Here sa lahat. Kahit hindi na niya nagawang lapitan ang senior citizens at PWDs dahil sa kapal ng taong kinukunan siya ng picture, naramdaman nila ang mensaheng gustong iparating ng kanta.

Kahit wala pang linaw sa proyektong pagsasamahan, tuloy pa rin ang suporta at pagmamahal ng pinakamalaking fandom sa mga idolo, huh!