AlDub fans, dismayado sa ‘hiwalayang’ Alden at Maine

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 418

SA nakababatang kapatid na sina Riza at Angel ang pa-bulaklak ni Alden Richards sa Araw ng mga Puso
kahapon.

Sinamahan pa ng Pambansang Bae ng personalized dedication sa card ang flowers para sa mga
kapatid.
    
Simple pero memorable sa magkapatid ang V-Day gift ng kanilang Kuya Alden.
    
Sa Eat Bulaga kahapon, walang masyadong pasabog sa episode sina Alden at Maine (Mendoza).         
Magkahiwalay na naman sila ng location, si Meng sa barangay at sa Broadway naman si Alden.
    
Dismayado tuloy ang fans nilang makitang naglalambingan ang dalawa gaya nu’ng episode last
Saturday.
    
Pero ang balitang nakarating sa fans nila, magsasama sina Alden at Maine sa Lenten Special
ng Bulaga, ang Sundalo, kasama si Paolo Ballesteros.
    
At least, tinutugunan pa rin ng Tape, Inc. ang hiling ng fans na magsama muli sina Alden at
Maine sa isang project, huh!