Alden, ‘sexiest man’ ng ’Pinas

September 30, 2018
Alden Richards

May bago na namang award si Alden Richards. Siya ang pinangalanang Sexiest Man in the Philippines 2018 at si Alden pa lang ang Kapuso star na nanalo sa 11 years na tumatakbo ang contest. Ang fans ng aktor ang nag-effort na manalo si Alden sa online poll.

Wala pang balita kung may awarding ang online poll na ito para sana mapa- salamatan ni Alden ang mga bumoto sa kanya.

Samantala, balik-Eat Bulaga si Alden last Saturday na ikinatuwa ng kan-yang fans dahil one week din siyang absent after his concert dahil nag-concentrate muna sa taping ng Victor Magtanggol.

May nag-isip tuloy na baka umalis siya sa EB na hindi nito gagawin dahil tumatanaw ng utang na loob sa show at kay Mr. Tony Tuviera.

Speaking of Victor Magtanggol, exciting ang episode this Monday, tutukan kung paano maka-kalabas si Victor (Alden) na nasa loob ng tiyan ng halimaw na si Jormungand, anak ni Loki (John Estrada). Nilulon si Alden ng halimaw at sa sobrang laki ng halimaw, nakakarampa sa loob ng tiyan.