Alden, pwede na mag-asawa

October 04, 2018
Alden Richards

Parang kailan lang nu’ng magsimula si Alden Richards sa kanyang restaurant business. Ngayon, very successful na siya dahil may tatlo nang branches ang Concha’s Garden Café.

Nagbukas na rin siya sa Silang, Cavite at sa Tagaytay plus, of course, nariyan pa rin ang original branch sa Tomas Morato, QC.

Hindi nga raw niya akalain na magiging blessed din siya pagdating sa negosyo.

“Ako po talaga, pag-aartista lang ang gusto kong i-pursue hanggang sa tumanda. Pero kasi, kaya nga po ako nag-aartista, para i-secure ang future ko at future ng mga mahal ko sa buhay.

“So, talagang papunta rin siya sa pagnenegosyo. Hindi ko lang in-expect na mas napaaga siya ngayon. At the age of 26,” pahayag ni Alden nang bisitahin namin sa taping ng digital campaign niya for Cookies Peanut Butter na ginanap sa Biñan, Laguna.

At this point, masasabi na ba niyang stable na siya?

“Parang masasabi ko naman po.”

So, pwede na siyang mag-asawa?

“Parang pwede na po,” natatawa niyang sagot. “Kasi lalo na po ’yung business namin na magbubukas next year, secure na secure na po talaga.”

Ang lola raw niya ang nagturo sa kanya na mag-save at mag-ready for the rainy days.

“Always save, tapos mas maganda ’yung may sasalo sa ’yo kapag nalaglag ka sa current position mo sa industriya. Naglalagay po ako ng safety nets outside showbiz, so just in case man po, if anything else happens, mayroon po akong fallback,” pahayag pa ng bida ng GMA Fantaserye na Victor Magtanggol.

Samantala, excited ding ikinuwento ni Alden na marunong na siyang magluto ng Kare-kare ala-Cookies Peanut Butter at mapapanood ito sa upcoming webisodes niya.

Sa naturang webisodes, ipakikita ni Alden ang mga pagkaing pwedeng gamitan ng peanut butter at isa na nga siyempre ang kare-kare.

’Pag nagkaroon daw siya ng girlfriend, ito raw ang kanyang iluluto for her.

Wala pang date kung kailan lalabas ang webisodes kaya abangan na lang daw ang announcement soon.