Alden, magpapaseksi sa Kia Theater concert

September 18, 2018
Alden Richards

Nagpa-sample si Alden Richards sa mapapanood sa Adrenaline Rush concert niya sa Friday, September 21 sa KIA Theater nang gawin ang may pagka-sexy dance number sa Sunday Pinasaya last Sunday habang kinakanta ang Girls Like You ng Maroon 5.

Nagulat ang viewers dahil may kasamang sexy dancers sa kanyang number si Alden, hindi na raw takot ma-bash si Alden ng mga selosang fans.

Mula this Tuesday, may three days na lang si Alden para paghandaan ang concert niya sa Friday. May band at piano rehearsal siya at may dance rehearsal pa para maging pulido ang mapapanood ng audience sa kanya. Air ang element na gagamiting concept ni Direk GB Sampedro at may mga buwis buhay production number daw si Alden.

May nagtatanong pala kung anong vitamins supplement ang tini-take ni Alden dahil kahit sunud-sunod ang commitments, hindi kinakikitaan ng pagod. Laging on the go. Bukod sa paghahanda sa concert, nagti-taping pa siya ng Victor Magtanggol.

Speaking of Victor Magtanggol, excited na ang viewers ng show kung paano magkikita sina Victor (Alden), Sif (Andrea Torres) at ang mga Sanggres ng Encantadia?

Excting din kung anong tulong ang ibibigay ng mga Sanggres kina Victor para hindi matalo ni Loki (John Estrada).

Tagged Under