Alden, laging absent sa ‘Bulaga’

September 28, 2018
Alden Richards

Kung hindi pa nag-report sa Eat Bulaga kaha-pon si Alden Richards, five days na siyang absent sa noontime show. After his concert last September 21, hindi pa siya napapanood sa Eat Bulaga at dahil ito sa taping ng Victor Magtanggol.

Kapag magre-report this Saturday si Alden, matutuwa ang kanyang fans na nami-miss na siya at sa Adrenaline Rush concert pa siya last time napanood. Sa Victor Magtanggol  na lang siya napapanood na hindi naman live.

Pagkatapos mag-guest ang mga Sanggre ng Encantadia sa Victor Magtanggol, inaabangan ng viewers kung sino ang susunod na maggi-guest sa show.

Siguradong matutuwa ang fans ni Alden kung matutuloy ang plano na i-tour ang Adrenaline Rush lalo na ‘yung hindi nakapanood sa KIA Theater. Ang hindi namin nalinaw ay kung sa Pilipinas lang itu-tour ang concert o kung dadalhin sa ibang bansa.

Samantala, looking forward na si Alden sa Christmas vacation nila ng kanyang pamilya sa Christmas  season. Ten days ang European vacation nila na kung saan, pupunta sila sa London at Paris.