Alden, ’di naubusan ng energy sa concert

September 23, 2018

Alden Richards was in his best element sa kanyang Adrenaline Rush concert last Friday sa KIA Theater.  Na-maintain nito ang taas ng energy mula sa opening number na Love Never Felt So Good  hanggang sa finale song.

Alden Richards
Alden Richards

’Katuwa ang comment na parang si Jojo Alejar ang nakita nilang nagsasayaw dahil ganu’n ang dance steps ni Jojo sa the same song.

Parang hindi napagod si Alden switching to singing and dancing and production number with his guests. Nagamit nito ang parkour training niya sa Victor Magtanggol sa dance number niya with the Philippine Island Assassins Dance Crew na galing sa taas ng KIA Theater si Alden.   

Ang ganda ng repertoire at areglo ng songs, walang laylay. Ang ganda ng visual at ilaw sa stage. Ang galing ni Director GB Sampedro at musical director na si Marc Lopez.

Mahusay lahat at bagay ang guests sa concert mula sa opening number na si Hannah Precillas, sa Ex-Battalion, One Up, Betong Sumaya, ang dance number nila nina Ruru Madrid at Rodjun Cruz na may pa-tiyan pa si Alden at ang duet with Ai-Ai na Aegis medley at duet with Regine ng With A Smile ng Eraserheads.

Pinasaya ni Alden ang audience na pumuno sa KIA Theater dahil sold out ang tickets at mas pinasaya nito ang winner sa pa-raffle niyang trip to Japan for two.

Ang pinakamagandang comment na narinig namin sa gabi ng Adrenaline Rush ay ang nag-comment ng “Concert Performer Na Si Alden” na totoo naman.

Different genre ng music ang kinanta nito, pati ang Hallelujia  ni Bamboo at nag-sing-along pa ang audience.