6,207

Alden at Maine, pinaghiwalay ng ‘Eat Bulaga’!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 4038

May mga hindi pala natutuwa tuwing nagku-comment si Sharon Cuneta sa pinu-post na pictures ni Marian
Rivera sa Instagram (IG). Pero mas marami ang natutuwa dahil hinahaluan ng megastar ng comedy ang
comment.

Gaya na lang sa photo ni Marian na naka-red dress at nag-comment si Sharon ng, “Ayan na
naman... Lamna. Pagod na ko kakatype eh. Pero tumutulo ang luha ko. Lab yu. Hahahaha! Beautiful
anak! Grabe” at “Ahhhh teka teka teka!!! Sideview pala ha! Sideview ba kamo?! Ang ganda nga pero
compared  sakin ang liit!!! Eh pano kahit payat ako parang  pandalawang tao behind ko. Wala. Jlo
tulo na luha dali!”
    
Sumagot si Marian ng “@reallysharoncuneta ninang. Hahaha You made my day! Love you always.”

May mas nakakatuwang comment si Sharon sa picture na naka-pink two-piece si Marian.
    
“Naiyak naman ako. Gutum na gutom ka na kaka diyeta tapos makikita mo inaanak mo parang 19
y/o ang katawan na walang asawa at anak. Gusto ko tuloy kumain ng isang buong cow ngayon. Kesa naman
tumalon ako sa balcony palaglag sa kalye sa baba makikita ko pa si Lucifer. Waaaahhh sana may
shooting ako at ang eksena ngayon din yung inaapi ako nang napakadaling umiyak!!! Waaaahhh! Anaaak
namaaaan! Kaperpek.”

* * *

Nasa bansa ang New York-based acting coach na si Anthony Vincent Bova, inimbita siya ng GMA Artist
Center para mag-hold ng acting workshop sa Kapuso at GMAAC talents.
    
Starting today hanggang Sunday ang acting workshop at kabilang sa mga magwu-workshop si
Alden Richards.
    
Tapos na last Wednesday ang taping ni Alden ng isang episode ng Lenten Special ng Eat
Bulaga. Kasama niya sa episode sina Sen. Tito Sotto, Joey de Leon at Tirso Cruz III
sa direction ni Adolf Alix Jr.     May magandang paliwanag tiyak ang EB kung bakit hindi

pinagsama sa episode sina Alden at Maine Mendoza na sa ibang episode inilagay at iba ang kasama.

* * * 

After ng March 18 grand coronation night ng Bb. Pilipinas at kapag napanalunan ni Vickie Rushton ang
isa sa titles ng Bb. Pilipinas, beauty queen na ang girlfriend ng Kapuso actor na si Jason Abalos.
    
Suportado ni Jason ang quest ng nobya na maging beauty queen at sila pa ng mother nito ang
nag-push na sumali na ito.
    
“Sayang nga at wala ako sa press presentation dahil may taping ako ng The One That Got Away,
pero sa grand coronation night sa March 18, siguradong manonood ako. Bigay ko ang moral support ko
at ang payo ko sa kanya, ’wag mawawala sa focus, enjoy the experience. Gusto ko lang ma-develop ang
personality niya for her self-confidence,” sabi ni Jason.
    
Gusto ni Jason na manalo si Vickie para na rin sa mom nitong nabulag at sa kuyang special
child.
    
Kapag nanalo, willing si Jason na hayaang matupad ni Vickie ang dream at nasa sideline muna
siya hanggang ready na silang magpakasal.