4,956 guests

Alden at Maine nag-i-invest na para sa future nila

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 472

MAY magkahiwalay nang negosyo ang phenomenal love team na sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Si Alden ay meron nang tatlong branch ng Concha’s Garden na ang unang branch ay sa Tagaytay at malapit nang maging apat.  Business partner ni Alden si Chef Gemma Sembrano sa kanyang restaurant business.  Bukod sa restaurant business at plano na rin ni Alden na magkaroon ng sarili niyang franchise ng isang gasoline station at spa business na patatakbuhin naman ng kanyang amang si Richard Faulkerson, Sr.
    
Si Maine naman ay may sarili nang franchise ng McDonald’s in Bulacan na kamakailan lamang nagbukas sa publiko.
    
Si Maine ay nagmula sa pamilya ng mga negosyante kaya hindi kataka-taka kung manahin niya ang business acumen ng kanyang parents.
    
Alam pareho nina Alden at Main na hindi pang habambuhay ang kanilang kasikatan at pagiging in-demand kaya as early as now ay natuto na silang mag-invest.

MISIS, MAY HAWAK NG PERA NI IAN

BIHIRA ang katulad ng actor na si Ian Veneracion na lahat ng pera na kanyang kinikita ay ibinibigay sa kanyang  misis na si Pam Gallardo, isang engineer at ina ng kanilang tatlong anak na dalawang lalaki at isang babae.
    
Si Pam ang nagma-manage ng pera nilang mag-asawa at para sa kanilang pamilya.
    
Naroon kasi ang trust ng mag-asawa sa isa’t isa who have been together for 20 years now.
    
Ayon kay Ian,  hindi  selosa ang kanyang misis considering na showbiz ang mundong ginagalawan nya at napapalibutan ng maraming naggagandahang babae at temtasyon.
    
Ian is glad that he has a very supportive and understanding wife ganoon din naman ang kanilang tatlong anak.

BIMBY AT JOSH WALA SA PARTY NG BAGONG ANAK NI JAMES
    
ONE year-old na ang first baby ng mag-partner na James Yap at Michela Cazzola na si Michael James or MJ last August 8 pero ang belated first birthday party nito ay ginanap last Sunday, August 12 sa The Blue Leaf Filipinas sa Paranaque City na dinaluhan na malalapit na kamag-anak at mga kaibigan ng couple.
    
Ang cute ni MJ na nakuha ang features ng kanyang mga magulang.  Ang pagka-tisoy ng bagets ay nakuha sa kanyang Italian mom na si Michela.
    
Wala ang half-brother ni MJ na si Bimby Yap sa party ganundin ang stepson ni James Yap na si Joshua.

Samantala, ilan sa namataang celebrities sa first birthday party ni MJ ay ang mag-asawang Marc Pingris at Danica Sotto-Pingris at dalawa nilang anak na si Caela at Jean Michael, ang mag-asawang Cris and Clarisse Tiu and their daughter na si Amanda Claire ganundin ang mag-asawang Julius Babao at Tintin Bersola-Babao at mga anak na sina Anya at Nio kasama si Mommy Cena.

ANDREA KUMALAS DAHIL KAY MARIAN?
    
KUMALAS na si Andrea Torres sa pangangalaga ng Triple A Management na pag-aari ng TAPE, Inc. at APT Entertainment big boss na si G. Tony Tuviera at siya’y nasa pangangalaga ngayon ng GMA Artists Center.  Pero klinaro ng Kapuso sexy actress na wala umano silang bad blood ng dati niyang management company dahil nagpaalam umano siya nang maayos.
    
May mga intrigang lumabas na kaya umano siya (Andrea) umalis sa poder ng Triple A Management ay dahil umano sa `away’ nila ng misis ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera bagay na agad pinabulaanan ni Andrea.
    
Si Andrea ang leading lady ni Dingdong sa “Alyas Robin Hood 2” ng GMA at may mga nagsasabi na baka maungkat na naman ang intriga between Marian and Andrea.

ANAK NI MAYOR ERAP IKINASAL
    
IKINASAL last Saturday, August 12 sa Manila Hotel ang panganay na anak ng dating Pangulo at ngayon ay mayor ng Maynila na si Joseph `Erap’ Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez na si Jerica Ejercito sa kanyang fiancé,  ang Spanish triathlete na si Miguel Aguilar Garcia.  The couple got engaged last April 12, 2017 habang sila’y nasa Petra, Jordan.
    
Si Jerica ay nakatatandang kapatid ni Jake Ejercito, ama ng five-year-old daughter ni Andi Eigenmann na si Ellie.  May isang two-year-old son si Jerica sa ex-husband ni Meryll Soriano na si Bernard Palanca, si Isaiah.  Tumagal ng apat na taon ang relasyon nina Jerica at Bernard at sila’y nagkahiwalay nung 2015.
    
Bukod kay Jake, si Jerica ay may isa pang nakababatang kapatid (sa mother side) na si Jacob.
    
Sina Jerica, Jake at Jacob ay half-siblings ng actor at dating senador na si Jinggoy Estrada ganundin ni Sen. JV Ejercito.

TBA STUDIOS, GANADO

ANG award-winning at box office historical epic movie na “Heneral Luna”  na dinirek ni Jerrold Tarog and produced by TBA Studios (Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment at Artikulo Uno Productions) at pinagbidahan ni John Arcilla ay maituturing na pinaka-highlight sa career ng singer-actor na never na in—imagine na magiging matagumpay at box office hit ang pelikula considering na walang major star (including him) in the movie.
    
Dahil sa malaking tagumpay ng “Heneral Luna,” lalong ginanahan ang TBA Studios na mag-produce pa ng mas maraming makabuluhang pelikula at isa na rito ang critically-acclaimed at award-winning movie na “Birdshot” kung saan kasama rin si John along with Mary Joy Apostol, Arnold Reyes and Ku Aguino mula sa direksiyon ni Mikhail Red.  Ang nasabing pelikula ay siyang nagbukas sa 2017 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival at isa sa 12 kalahok sa magsisimulang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magbubukas ngayong Wednesday, August 16 na tatagal hanggang August 22.