6,104

Albert, excited maging senior citizen

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 533

Bagay kay Albert Martinez and salt and pepper look. Para siyang si George Clooney at wala siyang
balak magtina ng buhok at hindi takot tumanda. 

Looking forward ito ’pag nag-60 years old na siya dahil sa benefits ng senior citizen card
pero three years pa bago siya mag-60 dahil sa birthday nito sa April 19, 57 years old pa lang
siya. 

Sa LA ise-celebrate ni Albert ang kanyang birthday kasama ang mga anak na sina Alyanna,
Alfonso at Alissa, ang son-in-law na si Roy Macam at ang first apo na si Adalyn Riley. 

Excited na si Albert na makita, makarga at mahalikan ang apo na sa video at photos sa
Instagram (IG) ni Alyanna pa lang niya nakikita. Sa April 3, ang alis nina Albert at mga anak.
    
“Ang maganda pa, pareho kami ng birthdate ng apo ko, siya January 19, ako April 19. I’m so
excited to see my apo at matagal ko siyang makakasama dahil almost two months kami roon,” kwento
ni Albert.
    
Tinapos ni Albert ang mga eksena niya sa The Good Son at mga eksena sa Imus Productions
movie na kung saan, main contravida siya ni Cavite Vice-Governor Jolo Revilla sa 72 Hours episode.
    
Masaya si Albert sa takbo ng kanyang career na mula nang magpaka-aktor siya, hindi na
nawalan ng shows. Walang kokontra, pero siya talaga ang Primetime King ng ABS-CBN dahil laging may
show at marami pa siyang gagawin dahil wala itong balak mag-retire.
    
“Sabi ni Eddie Garcia, in showbiz there is no such thing as retirement at sinusunod ko
’yun,” sabi ni Albert.

* * *

Magpa-pilot this Monday, after Eat Bulaga ang Con-tessa na bida at title role si Glaiza de Castro.
Ayaw pa-pressure ni Glaiza na ang hit Ika-6 Na Utos  ang kanilang papalitan.
    
Gagawin na lang daw nila ng buong cast ang best nila to give a good performance sa tulong
ni Direk Albert Langitan at mga writer.
    
Welcome rin kay Glaiza ang desisyon ng GMA-7 na gawing Monday to Saturday ang airing ng
Contessa kahit ang kapalit nito ay more working hours. Happy siya to work with Gabby Eigenmann
again at excite ddin to work with Tetchie Agbayani, Jak Roberto, Leandro Baldemor at ibang cast na
ngayon lang niya makakasama.
    
Naaliw si Glaiza sa inamin ni Jak na intimidated siya sa first few scenes nila dahil alam
na magaling ito. Na-challenge siya at ngayon pa lang, marami na siyang work habit nito na kanyang
gagayahin.
    
Hindi pa alam ni Jak kung leading man siya rito ni Glaiza, basta honored siya na makasama
ito sa Contessa.
    
Si Glaiza rin ang kumanta ng theme song ng Contessa na Dito Sa Aking Mundo na sinulat ni
Vehnee Saturno.

* * *

Palaban at pasabog agad ang unang labas ni Solenn Heussaff sa The One That Got Away  dahil bilang
si George na first GF ni Liam (Dennis Trillo), ang first scene niya ay nasa swimming pool at
naka-swimsuit.
    
Lalaban si Solenn sa pagiging daring ni Zoe (Rhian Ramos) sa mga sinusuot, hintayin n’yo
lang.
    
Ang description ni George ay “uberly beautiful but slightly weird first love ni Liam”
magiging palaban din ito at tiyak mapi-pressure ang three ex-GFs ni Liam.
    
Nagkasama na sina Dennis at Solenn sa indie film na Lakbay2Love na pinarangalan ng Cine
Turismo ng Tourism Promotions Board sa pamumuno ni COO Cesar Montano. Kaya hindi maaasiwa ang
dalawa kahit may kissing scene pa sila.