5,416 guests

Ai-Ai, nakipag-collaborate sa hip hop/rap group!

  • Written by Lito Mañago
  • Published in Showbiz
  • Read: 337
Ai-Ai & Ex Battalion Ai-Ai & Ex Battalion

MALAPIT nang i-release ng GMA Records at mapa-pakinggan na rin ang first single ni Ai-Ai de las Alas na Walang Pinipili na collaboration ng Comedy Queen sa hip hop/rap group na Ex Battalion.

May pa-sample na ang isa sa hosts ng Sunday PinaSaya sa kanyang Insta-gram account at ’sangka-terbang advance congratulatory remarks na ang nata-tanggap niya mula sa kanyang mga follower.

Magiging available soon ang single ng award-winning actress sa Spotify, iTunes at iba pang digital music streaming services.

Maliban sa kanyang single, gagawa rin ng teleserye si Ai-Ai sa GMA. Katunayan, nakipag-meeting na ang soon-to-be Mrs. Gerald Sibayan sa ilang executives ng network para sa project niyang ito.

Positibo ang pananaw ni Ai-Ai ngayon sa buhay kaya naman inuulan din siya ng blessings. Biggest blessing of course ay ang marriage niya sa kanyang boyfriend of three years this coming December 12.

* * *

ANG former Pinoy Big Brother housemate na si Jason Francisco ang itinanghal na videoke champion sa musical game show na All-Star Videoke  hosted by Solenn Heussaff at Betong Sumaya last week at nakatakda siyang bumalik ngayong gabi, November 12 para depensahan ang kanyang one-week old title.
    
Anim na celebrities ang aapak sa butas ng kapalaran at maglalaro sa laglagan round at kung sinuman ang magwawagi kina LJ Reyes, Empress Schuck, Aubrey Miles, Karel Marquez, Ate Reg at Donita Nose ay makahaharap ng mister ni Melai Cantiveros para sa pagkakataong maiuwi ang major prize na brand new SUV.
    
Magsisilbi namang All-Star Laglagers ang mga komedyanteng sina Kakai Bautista at Divine Tetay.
    
May bago ring paandar ang All-Star Videoke na Dobol Trobol round kung saan dalawa agad ang sabay na malalaglag.
    
Ang All-Star Videoke ay regular na napapanood tuwing linggo sa Sunday Grande ng GMA at mula sa direksyon ni Louie Ignacio.

* * *

OUT na si Matteo Guidicelli bilang leading man ni Barbie Forteza sa Almost A Love Story ng BG Productions ni Madam Baby Go at nakatakdang i-shoot ni Direk Louie Ignacio sa Italy sa susunod na bu-wan.
    
Kasalukuyan pang naghahanap ng ipapalit kay Matteo ang production staff dahil hindi na raw umubra sa schedule ng Kapamilya star.
    
Magiging busy si Mat-teo dahil sa kanyang Hey Matteo! concert sa Kia Theater sa November 30, 7:30 ng gabi at pagkatapos daw nito ay ang kanilang world tour na magaganap din daw sa December.
    
May mga pinagpipilian na pero wala pang kumpir-masyon kung sino ang magiging final choice bilang leading man ni Barbie. May suggestions na ipalit na lang si Jak Roberto, Barbie’s rumored boyfriend, pero tila hindi raw bagay ang role para sa tinaguriang Pambansang Abs.
    
In the meantime, nasa  second week na ngayon sa mga sinehan sa buong kapuluan ang first team-up nina Barbie at Ken Chan na This Time I’ll Be Sweeter ng Regal MultiMedia, Inc. at ang KenBie fanatics ay nagsasagawa ng series of block screenings bilang suporta nila sa kanilang mga iniidolo.