7,161 guests

Ai-Ai, iniyakan ang kasal nila ni Gerald

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 647
The newly-wed couple with Pops Fernandez, Regine Velasquez, Pauleen Luna, Rufa Mae Quinto and Vic Sotto. The newly-wed couple with Pops Fernandez, Regine Velasquez, Pauleen Luna, Rufa Mae Quinto and Vic Sotto.

OFFICIALLY, Mr. and Mrs. Sibayan na sina Ai-Ai de las Alas at Gerald Sibayan matapos ikasal ang dalawa last Tuesday morning, December 12 sa Christ the King Parish  in Greenmeadows, Quezon City. Tatlong taon ang naging relasyon nila bilang mag-nobyo.

Pinaghalong showbiz at politics ang mga personalidad na bumuo ng wedding entourage nina Ai-Ai at Gerald.

Ang mga principal sponsors ay binuo nina Eugenio `Boy’ Abunda at  Cory Vidanes, ang dating Vice-President ng bansa na si Atty. Jejomar `Jojo’ Binay at Analita del Mundo-Ramos, Henry Chua at Susan Co, Bobby Co at Lolit Solis, Delfin de Dios, Jr. at Nancy Young, Butch Espino at Maribel Espino, Sen. Richard Gordon at Fely de la Cruz, Alex Lim and Susan Lim, Atty. Felipe Gozon and Mother Lily Monteverde, Robert `Ogie’ Mendoza and Melissa Rubio-Mendoza, Sen. Ralph Recto and Rep. Vilma Santos-Recto, Bro. Bo Sanchez and Ana Puno, Willie Revillame and Cristy Fermin, Gov. Chavit Singson and Julita Cayanan, Antonio Tuviera and Marivin Arayata at si Bro. Mariano `Mike’ Velarde and Geraldine Desiderio-Garcia.

Ang bunsong anak ni Ai-Ai (kay Miguel Vera) na si Sophia Andrea de las Alas ang maid of honor at ang bestie naman ni Ai-Ai na si Sharon Cuneta ang tumayong matron of honor.  Best men sina John Kenneth Monterubio at Richard ‘Alden’ Faulkerson, Jr.

Ang mga tumayong groomsmen at bridesmaids ay sina Arolas Amahit at Socorro Adam, Bayani Agbayani and Lenlen Rogacion, Ogie Alcasid and Regine Velasquez-Alcasid, Lito Alejandria and Lovely Abella, Gerry Catama and Malou de Guzman, Carlos Antonie Cayanan and Barbara  `Barbie’ Ambas Forteza, Kevin Dalisay at Bianca Carlos, Heildenberg Dimarukot and Abby Banares-Co, Ariel Manalo, Rufa Mae-Magallanes, Jerald Guillen Napoles, Valeen Margarita Montenegro, Piolo Jose Pascual at Cielito `Pops’ Fernandez, Kennedy Rioveros and Shanna Maye Retuya, Randy Santiago and Marilou Santiago, Gene Sibayan and Eugene Domingo, George Sibayan and Joan Fagara-de las Alas, Paul Vivas and Rechie del Carmen.

Tumayo namang mga secondary sponsors ang mag-asawang Vic `Bossing’ Sotto at Pauleen Luna-Sotto (candle), couple Dingdong Dantes and Marian Rivera (veil)  at sina Joseph and Marnely Calata (cord).   Si Stephen Sibayan ang  Bible bearer,  coin bearer si Gabriel Sibayan at ring bearer naman si Seth Andrei de las Alas at flower girls naman sina Amella Sibayan at Angela Sibayan.
    
Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay sina Piolo Pascual at Pops Fernandez ang magkapareha bilang bahagi ng groomsmen at bridesmaids.  Unknown to many, ang dalawa ay nagkaroon noon ng short-lived relationship pero nanatiling magkaibigan ang dalawa after their break-up.
    
Ang veteran fashion designer na si Frederick Peralta ang gumawa ng wedding gown ni Ai-Ai na siyang wedding gift sa kanya ng kanyang `twin sister’ na si Marian Rivera. Si Marian din ang nag-provide ng multi-colored wedding bouquet ng bride.
    
Sa Italy ang honeymoon ng newly-wed couple courtesy of one of their ninongs na si G. Tony Tuviera, big boss ng TAPE, Inc. (producer of longest-running noontime show na “Eat Bulaga”) at APT Entertainment.
    
Pinanghalo rin ang mga Kapamilya at Kapuso sa kasal nina Ai-Ai at Gerald na hindi naman kataka-taka dahil matagal ding naging Kapmilya ang komedyana bago ito muling bumalik sa Kapuso Network.
    
Si Ai-Ai ay may tatlong anak sa previous relationship. Ang panganay niyang anak na si Sancho ay anak niya sa yumaong theater actor na si Rey Malte Cruz habang sina Nicolo at Sophia ay anak niya sa kanyang ex-husband, ang singer-actor na si Miguel Vera na naka-base na sa Amerika kasama ang bagong pamilya nito.  May adopted son din ang singer-comedienne, ang 7-year-old na si Seth Andre o Sean na malamang dalhin na ang apelyidong Sibayan ngayong kasal na sila ni Gerald.
    
Sean was almost four years old nang maging sina Ai-Ai at Gerald at ang huli na ang kinalakihan nitong ama.
    
Ngayong legal nang mag-asawa sina Ai-Ai at Gerald, lahat ng mga properties na maa-acquire ng couple  during the marriage ay conjugal property na ng mag-asawa.
    
Si Gerald ay lumagda sa isang pre-nup agreement para ma-protektahan ang  tatlong anak ni Ai-Ai na sina Sancho, Nicolo at Sophia.
    
Samantala although dalawang beses nang ikinasal si Ai-Ai in the past, first time niyang naglakad at ikinasal sa simbahan at nakapagsuot ng traje de boda kaya hindi nito napigilan ang umiyak sa sobrang kaligayahan.
    
To the newly-wed couple, congratulations and best wishes.

PANCHO AT MAX, SIGE PA RIN KAHIT KASAL NA

IKINASAL na rin sina Max Collins at Pancho Magno last December 11.
    
Isang Christian wedding ang naganap sa Kapuso actors na sina Max at Pancho sa ballroom ng Marriott Hotel in New Port City, Pasay City kung saan din ginanap ang wedding reception.  Dominant na mga Kapuso personalities ang dumalo sa nasabing kasalan na pinangunahan ng ina ng groom na si Redgie Magno, isa sa mga lady executives ng GMA.
    
Ang veteran fashion designer na si Francis Libiran ang gumawa ng gown ni Max. Dinaluhan din ito ng ibang mga Kapuso

talents tulad nina Andrea Torres at Rochelle Pangilinan (part of the wedding entourage), Sanya Lopez, Thea Tolentino, Emilio Garcia, Tom Rodriguez, Carla Abellana, ang magkapatid na Megan at Lauren Young, Samantha Lopez-Edwards, Lovi Poe, Tim Yap at iba pa.
    
Kahit mag-asawa na sina Max at Pancho ay magpapatuloy pa rin ang dalawa sa kanilang respective showbiz career.
    
T-REX ENTERTAINMENT, TULUY-TULOY NA

MUKHANG nag-enjoy na sa pagpu-produce ng pelikula ang successful businessman na si Rex Tiri dahil pampitong pelikula na niya as producer under T-Rex Entertainment ang 2017 Metro Manila Film Festival entry na “Deadma Walking” na pinagbibidahan nina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman mula sa direksiyon ni Julius Alfonso.
    
Natutuwa si Rex dahil Graded-A ang ibinigay ng Cinema Evaluation Board (CEB) sa pelikula at umaasa siya na ito’y tatangkilikin ng publiko laluna ng LGBT community na siyang malaking bahagi ng sumuporta sa “Die Beautiful” ni Paolo Ballesteros nung nakaraang MMFF.  Kasama rin sa movie sina Candy Pangilinan, Nico Antonio, Vin Abrenica, Bobby Andrews, Bing Pimentel at kung saan naman may special participation sina Piolo Pascual, Gerald Anson, Iza Calzado, Dimples Romana, Eugene Domingo at maging sina Direk Joel Lamangan at Direk Marlon Rivera.
    
Ipapakita sa pelikula ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan.

GABBI AT RURU, MAY MU NA?

KUNG fans ang masusunod, gusto nila na ang kanilang mga inidolong loveteam ang siya ring magka-relasyon sa tunay na buhay tulad na lamang sa tambalan nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid. Pero kahit hanggang sa pagiging magkaibigan pa lamang ang level ng kanilang relasyon, masaya ang fans na makita ang dalawa na nagi-enjoy sa kanilang bakasyon sa Coron Island sa Palawan.
    
Naniniwala ang mga tagahanga nina Gabbi at Ruru na may mutual understanding na ang dalawa.
    
Sina Gabbi at Ruru ay kasama sa 2017 Metro Manila Film Festival family comedy movie na “Meant to Beh” na pinangungunahan nina Vic `Bossing’ Sotto at Dawn Zulueta at kung saan din kasama sina Baeby Baste, Andrea Torres, Daniel Matsunaga, JC Santos, Sue Ramirez, Thou Reyes at maraming iba pa.  Ito’y mula sa direksiyon ni Chris Martinez.