Aga at Direk Paul, nagkagulatan dahil kay Bea

October 10, 2018
Bea Alonzo and Aga Muhlach
Bea Alonzo and Aga Muhlach

AGA Muhlach is proud na nakatrabaho niya sa magkahiwalay na pelikula ang mang-amang Jeric Soriano at Paul Soriano.  Si Jeric ang director ni Aga (along with Gary Valenciano, Herbert Bautista, Raymond Lauchengco at iba pa) sa youth-oriented movie  na “Hotshots” under Viva Films nung 1984 when Aga was only in his teens.  Ang anak naman ni Jeric na si Paul Soriano ang director ngayon ni Aga sa upcoming movie ng Ten17 Productions, Star Cinema and Viva Films, ang “First Love” na kinunan pa sa Vancouver, Canada kung saan niya kapareha ang Kapamilya actress na si Bea Alonzo.  

Aga is already 49, married to former beauty queen-actress-TV host na si Charlene Gonzales at meron na rin silang teen-age twins, sina Andres at Atasha habang si Paul is only 36, married to singer-actress-TV host Toni Gonzaga at meron na rin silang isang anak, si Seve now two years old making Jeric Soriano a granddad.

Si Jeric ay isa sa apat na anak ng namayapang dating matinee idol na si Nestor de Villa na sumakabilang-buhay nung February 21, 2004 sa edad na 76.

Tulad ng kanyang amang si Jeric, si Paul ay nagsimula sa pagiging commercial director bago ito naging director-producer ng pelikula.  Ilan sa mga notable movies na kanyang dinirek at prinudyos ay ang “A Journey to Home” in 2006, “Thelma” in 2011, “Kid Kulafu” in 2015, “Dukot” in 2016 at ang award-winning movie na “Siargao” in 2017.

Ang mag-amang Jeric at Paul ay parehong actor material tulad ni Nestor de Villa, pero mas ginusto nila ang pagdidirek at pagpu-produce ng pelikula.

Samantala, inamin ni Aga nang kausapin siya ni Paul at ipakita ang script ng “First Love” na  si Bea Alonzo ang kanyang ni-request na makapareha not knowing na si Bea talaga ang original choice ni Direk Paul for Aga kaya pareho silang nagkagulatan.  Pagdating naman kay Bea, hindi umano siya nagdalawang isip na tanggapin ang project nang malaman niyang si Aga ang kanyang makakapareha. Para kay Bea, isa umanong dream project ang makatrabaho niya si Aga sa isang pelikula.  She did not only have Aga as a leading man kundi nakakuha  rin siya ng bagong kaibigan.  Marami umano silang na-discover sa isa’t isa when they were shooting the movie in Vancouver, Canada kung saan sila nag-stay ng isang buwan.

“Sa bagong generation, nakakitaan ni Aga si Bea ng pagiging isa sa mahuhusay na actress at hindi niya ikinaila na gusto niya itong makatrabaho na nangyari naman sa “First Love” na matutunghayan na sa mga sinehan simula ngayong October 17.