Adiksyon sa Twitter, inamin ni Janine

September 15, 2018

Kahit may bashers si Janine Gutierrez dahil sa fans na hindi matanggap na siya ang leading lady ni Alden Richards sa Victor Magtanggol, ayon sa dalaga, naiintindihan niya kung saan nanggagaling ang galit ng mga ito.

“Siyempre, nakakapanibago po and alam ko rin naman ’yung feeling na kapag meron kang sobrang gustong team-up, ’di ba, or couple, talagang siyempre, nandu’n ’yung ano mo, pagmamahal mo. So, naiintindihan ko naman,” pahayag ni Janine sa story conference ng upcoming movie niya sa Regal Films, ang Elise with Enchong Dee.

“Pero thankful din po ako na maraming sumusuporta and maraming excited, lalo na po nu’ng nag-Visayas kami, nag-Cebu and Bacolod kami, so marami po kaming na-meet do’n na nanonood ng Victor Magtanggol so, very thankful din po talaga. Saka, okay na ’yun kahit may konting ano,” dagdag pa ni Janine.

Naapektuhan ba siya kaya siya nag-deactivate ng Twitter account niya?

“’Yung Twitter kasi, parang masyado na akong nagiging dependent sa kanya. Alam mo ’yung paggising ko, ’yun ’yung una kong tinitingnan?

“Kasi, nag-enjoy din talaga ako na i-promote ’yung Victor... dahil excited din talaga ako sa mga kwento, na maipalabas ’yung mga eksena, ’yung fight scenes.

“Pero ’yung sa Twitter, pahinga lang po muna. Kasi parang natatakot ako na baka maniwala na ako du’n sa sinasabi ng ibang tao kaya ibabalik ko na lang kapag...

“Inaayos ko rin naman kasi gusto rin talagang mag-ayos ng social media. Mayroon po akong hinahanda na website, so siguro, sabay-sabay ko na lang siya ulit ibabalik,” she said.

Magsisimula nang mag-shoot si Janine sa Regal movie next week kaya magiging sobrang busy ng aktres dahil lagare siya sa tatlong set -- VM, Elise at  Day-Off sa GMA News TV.