ABS-CBN, pasung-paso kay Regine

October 18, 2018
Regine Velasquez Alcasid

Nilinaw ni Regine Velasquez na hindi galing sa asawa niyang si Ogie Alcasid ang ideya ng pagbalik sa ABS-CBN.

Yes, ayaw niyang sabihin na “transfer” dahil sa Kapamiya Network daw siya nagsimula at unang lumabas.

Ayon sa Asia’s Songbird sa welcome presscon kahapon, sa kanya talaga nanggaling ang ideya ng pagbabalik-Kapamilya.

“Pero hindi ako sigurado kung interested pa sila (ABS-CBN). Hindi talaga ’ko sigurado, kasi alam ko na pasung-paso na sila sa akin,” sabi ni Regine sabay-tawa.

“Totoo naman ’yun, eh. Alam ko na pasung-paso na sila. And I cannot blame them. And I was the one who asked for the meeting but it was my husband who arranged it. Kasi, siyempre, siya na ’yung nandito.”

Sa first meeting nga raw niya with Cory Vidanes and Laurenti Dyogi, kabadung-kabado siya at hinihintay niyang sabihin sa kanya na hindi na sila interesado.

“But I’m so happy nang sabihin nila na ‘siyempre naman, interesado kami.’ Natatandaan ko ’yung sinabi ni Direk Lauren na ‘pwede na ba akong mag-hope?’ Kasi parang dalang-dala na sila sa akin.

“So, I am really overwhelmed. I am happy that I am here. Thank you for the opportunity,” pahayag ng Songbird.

Asked kung ano talaga ang nakapagpa-decide sa kanya para bumalik sa Dos, dito na nagpahayag si Regine ng pasasalamat sa GMA-7.

“First of all, I just want to say that 20 years po ako sa GMA and I am very thankful to them. I am grateful to them. Dahil po sa kanila, napatagal po ’yung aking career, nabigyan ako ng pagkakataong mag-host, gumawa ng soap at marami pang iba.

“So, sa akin pong puso, maraming, maraming salamat pa rin sa GMA.

“Actually, not a lot of people know, I actually started here in ABS-CBN. I did, I started here. They gave me a chance, they gave me a television show na talagang practically, hindi po ako kilala.

“Nag-uumpisa pa lang ako nu’n, I was 16 or 17 years old, and I did two TV shows. I did Teen Pan Alley kasama ko si Janno Gibbs at si Bing Loyzaga, and then ’yung Triple Treat.

“And then, of course, parang naging mainstay na rin ako ng Sa Lingggo nAPO Sila, parang linggu-linggo halos nandito ako, not to mention ’yung show ng aking idol na si Sharon Cuneta, nandito po ako lagi,” she said.

Kung ano ang nakapagpa-decide sa kanya, ani Regine, it’s because gusto na raw niyang makatrabaho ulit ang ABS-CBN.

“I wanted to work with other artists. I wanted to work, I wanted to do a concert with Sharon, with Sarah (Geronimo) and Gary (Valenciano) and Martin (Nievera) and Piolo (Pascual).

“You know, they’re all here. And that’s really naman my main reason. I just really wanted to work with other people. Kasi, especially the last few years, medyo nahihirapan akong mag-collaborate, mga collaboration na ginagawa ko, hindi na namin napapalabas sa TV. So, parang it was getting harder and harder lang.

“But again, I am thankful to GMA. I have nothing bad to say about GMA. But I am so happy to be back here in ABS, I really am. And the kind of welcome they gave me, my goodness! Thank you very much, it’s so overwhelming,” pahayag pa ni Regine.

Dalawang taon ang pinirmahang kontrata ni Songbird sa ABS-CBN at ni-reveal na rin niya ang mga gagawin niyang proyekto.

“I am so excited. First of all, I am doing ASAP. ASAP is the first and I’m so excited ’coz I get to work with Sarah (Geronimo). Alam n’yo naman kung gaano ko kamahal si Sarah. Plus I get to work with other singers in ASAP. So, I’m doing that.

“And then, first time also, I’m going to have a sitcom. I’ve never done a sitcom before. And nai-excite po ako kasi I’m gonna be working with my husband. I’m so excited about that.

“Alam n’yo, kasi, ’yung nakikita n’yo sa Instagram ko na magulo kami ng asawa ko, na parang magdyowa lang kami, dream ko talaga to work with him and whatever, and now I’m given this sitcom, I’m so excited,” she said.

Aside from that, first time rin daw niyang magiging judge sa singing contest naman na Idol Philippines.

Ni-reveal din niyang siya ang kakanta ng theme song ng upcoming serye ng ABS-CBN na The General’s Daughter na isinulat naman ni Ogie.