6,373

Aberya

  • Written by IAN F. FARIÑAS
  • Published in Showbiz
  • Read: 547

Sa dami ng viral ‘bagsak’ videos ng aktres…

G-Force not shaken kay Kim -- Teacher Georcelle

HINDI nayayanig ang G-Force sa dami ng viral “bagsak” videos ng aktres na si Kim Chiu sa mga production number na ginagawa sa Sunday noontime show ng ABS-CBN na ASAP.

Ito ang siniguro ng head choreographer at celebrity dance instructor na si Teacher Georcelle sa press interview na ginawa sa bagong bukas na G-Force Dance Center sa Festival Mall, Alabang, nitong Linggo.

Aminado si Teacher Georcelle na nase-sensationalize sa social media ang ganu’ng mga insidente involving Kim at maging sila, naba-bash ng fans ng dalaga.
    
Aniya, she feels sorry for ASAP dahil ang show ang nasisisi sa kahihiyang sinasapit ni Kim. Hindi rin daw niya masisisi ang followers ng aktres kung feeling pinababayaan o hindi naaalagaan ang prinsesa nila.
    
Pero para kay Teacher Georcelle, occupational hazard ang ganu’ng mga insidente at parte lamang ng risks na involved sa isang live performance.
    
Markado na nga raw kay Kim ang mga bonggang production number sa ASAP, kaya naman talagang espesyal at death defying ang routine na ina-assign sa kanya.
    
“’Yung mga nangyayaring ganu’n, you really cannot explain it right away, ’di ba?” panimulang paliwanag ni Teacher Georcelle.
    
“Theres a process, maraming process. ’Yung pinakahuli niya was the acrylic. ’Yung acrylic kasi came in... Friday? Friday, which is tama lang naman, kasi Friday talaga ang start ng rehearsal namin.
    
“Friday, they worked on the piyesa, they rehearsed, it was okay. Come Saturday evening, nabali. Saturday evening. And then we had to call the supplier. Eh, Sunday, so Sunday, closed. Okay.
    
“So lahat, tinawagan na… lahat ng resources. Sino’ng pwedeng mag-supply nitong acrylic na ’to. And then I asked, kasi mag-oopen daw ‘yung supplier ng 8’o clock, but there’s one, meron daw sa bodega. So, game! Get them both.
    
“So, naka-standby, dalawa. Nu’ng dumating na, nasa gap 3 kami, we were supposed to do it gap 3. So nu’ng nag-blocking kami sa studio, wala ’yung acrylic. Wala kaming set piece, wala kaming prop, wala.
    
“So dumating, pero madya-jumble talaga, eh. When you do a live show, it’s really… it’s challenging. So, nandu’n na, eh, gap 3 kami? Okay, kaya ba ang gap 3?
    
“We rehearsed, okay naman. Pero ito, it was supposed to be a back walk over. A back walk over is a movement where a dancer does a bridge first and then magpi-flip na ’yung dalawang legs.
    
“May help ’yon, ang in-assign natin du’n, ’yung artists. Okay ’yung rehearsal. Pero pagdating sa back walk, because ’yung acrylic na ginamit namin, ’di masyadong maka-bend, I had to revise it… to adjust. ‘Kim do not do it anymore. We don’t have time.’ So I asked the choreographers, adjust the movements.
    
“So what we did was just… fall, tutulungan siya, hihilahin siya. Had it been like this (at idinemo niya ang dapat na galaw), the form of her legs, it will not be that ugly. It will not be like bumagsak siya… no.
    
“Kung na-rehearse namin nang maayos and kung na-close niya ang legs niya, maku-close niya ang legs niya kung na-rehearse namin nang maayos, pero hindi, we really lacked time.
    
“So those are the things na nangyayari sa live show and those are the things na, you know, people cannot understand. Do we have to explain ourselves to every person?
    
“I feel sorry for the show na nabi-blame… followers of Kim na nagagalit sila, sino ba naman ang ‘di magagalit, ‘di nyo inaalagaan ang ano namin, ang prinsesa namin.
    
“But you know what? Just for the record, we take care of not just Kim, but all the artists. Just for the record,” diin ni Teacher Georcelle.
    
Para sa kanya, hindi “fall” ang pinakahuling insidente ng kapalpakan sa dance routine ni Kim, kundi “bad recovery. Bad transition. ‘Di pantay ang acrylic. Had it been a good form, mas mahaba ang ensayo, ’di ganu’n ang mangyayari.”
    
Para naman sa nag-viral ding video kung saan kasama ni Kim si Enchong Dee, sey ni Teacher Georcelle, “Nahulog siya ni Enchong. Ano ba nangyari du’n? Nanghina si Enchong sa rehearsal.”
    
Ang hindi raw alam ng netizens, may iba pang instances na mas malala sa mga nag-viral na video ni Kim.
    
Gaya na lamang ng isang rehearsal kung saan may involved na tossing. Naiba raw ang timing ni Kim kaya pagbagsak, tumama ang ulo niya sa sahig.
    
“Hindi nag-viral ’yon kasi rehearsal lang, wala sa TV,” pahayag ng choreographer.
    
Trust game daw ang labanan sa production numbers. Team work. At alam ni Kim ang buong proseso.
    
“We are not shaken kay Kim, ‘coz we know Kim. But this is a reminder na, ‘Hey, we cannot be complacent with all the process. Next time, we know better. Kung acryclic ang prop natin, ipa-duplicate natin ‘yan, para mabali man, alam natin na may dalawa,” dagdag niya.
    
Nagkakaaberya man, positibo pa rin ang pananaw ni Teacher Georcelle sa pagsasayaw at pagtuturo nito.
    
Katunayan, patuloy niyang pinu-push at ng G-Force Dance Center na gawing lifestyle ang dance at ang pag-aaral nito sa pamamagitan ng taunang G-Force Project Summer Dance Workshop.
    
Sa ika-11th year ng dance center, dadalhin ng grupo ang summer dance workshop mula ngayong Abril hanggang Hunyo sa iba’t ibang parte ng bansa tulad ng QC, The Fort-Taguig City, Alabang, Lucena, Southern Leyte, Cebu, Pangasinan at Isabela.
    
Magkakaroon ng bonggang recital-concert series ang mga magsisipagtapos dito sa June 8, 12 at 16 sa The Theater at Solaire.
    
Sey ni Teacher Georcelle, ito ang kauna-unahang pagkakataon na magpe-perform ang mga estudyante sa theater.
    
“I really want to give the students the theater training. They will do their own make-up. There will be quick costume change na sila-sila lang and walang katulong but you have your own space.
    
“You have your mirror, you will feel that you are really a performer. Sariling sikap lahat, that’s the training that I want to give them,” pagtatapos niya.
    
Para sa mga interesadong mag-enroll sa G-Force Dance Center, maaaring tumawag sa 0917-8GFORCE (436-723) o 02-709-6077. Pwede ring i-download ang mobile app na G-Force Dance Center para sa iba pang impormasyon.