40 Pinay beauties tampok sa Miss Millennial Philippines 2018

September 25, 2018
Miss Millennial 2018

NAGBABALIK telebisyon ang Miss Millennial competition na magtatampok sa 40 naggagandahang dilag mula sa iba't ibang panig ng Pilipinas.

Matapos ang successful first run noong nakaraang taon, kinalap muli ng Eat Bulaga ang local beauty titleholders at hinamon ang mga ito na i-represent ang mga probinsya sa naiibang paligsahan ng kagandahan.

’Di tulad ng mga nakasanayang beauty pageants sa bansa, ang Miss Millennial Philippines ay mas magbibigay halaga sa pag-promote ng tourism potential ng isang lugar sa tulong na rin ng millennial contestants na magsisilbing ambassadress ng kanilang lalawigan.

“Last year’s journey was really an eye opening one for all of us. Personally, mahilig ako mag-travel and nung nagsimula na yung pageant, na-guilty ako na di ko pa napupuntahan yung ibang magagandang lugar na nai-feature sa telebisyon. Gugustuhin mo talagang dumalaw at tikman yung mga nagsasarapan nilang mga pagkain. Gusto namin na ulitin yun, na mag- spark ng same curiosity sa audience,” sabi ni Eat Bulaga SVP for Creatives and Operation Jeny Ferre.

Maliban sa pagri-represent ng kanilang mga probinsya, magpu-produce rin daw ang millennial contestants ng eye-catching television and online videos na mas makakapagpakilala sa kanyang hometown.

Ang mga materyal na ito ay ipapalabas araw-araw sa longest-running noontime variety show at sa iba pang social media websites.

“Gusto naming gamitin sa positibong pamamaraan ang online platforms para ipaalam at ipakita kung gaano kaganda ang Pilipinas. At sino pa ba ang makakapag-represent ng mga lugar na ito kundi ang ating mga kandidata dahil sila ang may first-hand experience sa culture and tradition ng kanilang lugar?” saad pa ni Ferre.

Ang 40 dilag na maglalaban-laban para sa koronang Miss Millennial Philippines 2018 ay sina: Sharmaine Dela Cruz (Zamboanga), Mae Angela Miguel (Zambales), Maria Isabel Alves (Parañaque), Marela Glospeah Caro Juaman (South Cotabato), Ina Louise Abello (Palawan), Jaila Ragindin (Bataan), Kate Maureen Sunga (Guimaras), Denice Fritz Daligcon (Apayao), Danna Rose Socaoco (Misamis Oriental), EllenMay Otalla (Rizal).

Verna RIcaella Franco (Tarlac), Kiezel Mellado (Sarangani), Trisha Aceret (Ilocos Norte), Shaira Marie Rona (Mandaluyong City) at Ma. Gienel Caling from Nueva Ecija; Marissa Ruado (Masbate), Daphne Kyara Marie Algrame (Negros Oriental), Jennifer Lemaitre (Laguna), Jewel Palacat (Ilocos Sur), Shaila Rebortera (Cebu), Merrielle Sarmiento (Oriental Mindoro).

Femush Lyssa Maynes (Nueva Vizcaya), Elaiza Monica Mascarinas (Compostela Valley), Eloiza Canlas (Pampanga), Lesly Joy Sim (Quezon Province), Alyssa Angelica Dacuno (Samar), Trissia Aldave (Camarines Sur), Ivory Felix Calampinay (Malabon), Elisha Libres (Davao del Sur), Joanna Kalkschmidt (Capiz), Zane Anne Deza Parel (Isabela), Lady Justerinnie Santos (Bulacan).

Samantala, ang mga first time na sasali sa competition ay ang Batanes (Ma. Ellena Velasco), Aurora (Verny Abby Zabat), Bukidnon (Sunshine Gumbao), Abra (Chanel Mistyca Corpuz), Siquijor (Neriz Lantaca), Agusan del Sur (Judie Anne Castro), Iloilo (Demi Patria Jainga) at Jolo, Sulu (Nur Shaira).

Sa taong ito, ang grand winner, na madi-determine base sa pinakamaraming text and online votes, ay mag-uuwi ng house and lot mula sa Camella Homes, brand-new Montero Sport at P500,000.

Mag-a-award din ng Miss Bayanihan Queen, ang dalaga na nakagawa ng pinakamagandang tourism campaign para sa kanyang probinsya.

Mabibigyan ang nasabing lugar ng P1 million para tustusan ang isang local tourism project.

Mapapanood ang Miss Millennial Philippines 2018 tuwing tanghali, mula Lunes hanggang Sabado, sa Eat Bulaga sa GMA Network.