5,774 guests

Jackie Chan at Pierce Brosnan magsasagupa sa ‘The Foreigner’

DALAWANG respetadong aktor ang magkakabanggaan sa nakaaantig at napapanahong action thriller mula sa direktor ng Hollywood blockbuster film na Casino Royale.  

Sa The Foreigner, si Jackie Chan ay gumaganap bilang Quan, isang restaurant owner na namatayan ng anak dahil sa pambubomba ng mga terorista. Para matukoy ang mga salarin, humingi ng tulong si Quan kay Irish Deputy Minister Liam Hennessy na ginagampanan ni Pierce Brosnan.

Nang tanggihan siya nito, ipinamukha ni Quan kay Hennessy ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa nakaraan nito na nagpapatunay na may kakayanan si Hennessy na matukoy ang mga salarin.

Ayon sa producer na si Scott Lumpkin, ang pelikulang ito ay tungkol sa paghahanap ng katarungan hindi lamang para sa katatapos na trahedya sa buhay ni Quan kundi para sa lahat ng sakit na pinagdaanan niya sa nakaraan.

Ang pelikula ay base sa 1992 best selling novel na The Chinaman ng acclaimed crime writer na si Stephen Leather.

Ngayon pa lang makikita si Chan sa ganitong role dahil hindi lang basta aksyon ang pinakita ng aktor dito.  Tahimik ang pagkatao ng kanyang karakter at lahat ng ginagawa nito ay planado at matinding pinag-iisipan.

Hindi naman maitatanggi na “oozing with class” ang aktor na si Pierce Brosnan kaya binigyan niya ng  “sense of balance, coolness and class” ang karakter ni Hennessy.
    
Ang The Foreigner ay  reunion movie rin nina Brosnan at ng director/master storyteller na si Martin Campbell.  Nagkatrabaho na sila sa 1995 James Bond movie na Golden Eye.

Showing na ang The Foreigner on Oct. 18. Handog ito ng Viva International Pictures at MVP Entertainment.