6,082

Religion for Just Peace o Religion for Injustice?

  • Written by Hadje Cresencio Sadje
  • Published in Pananaw Pinoy
  • Read: 2895

Noong December 6 ng nakaraang taon, matapang na pinahayag ni U.S. president Donald Trump ang Jerusalem bilang kapital ng modern Israel. Tulad ng inaasahan, marami ang nabahala at nagulantang sa naging deklarasyon. Ngunit madami din ang nagsabi na hindi naman na ito bago sa mga bagong halal na president ng Estados Unidos. Ayun kay Max Fisher, na isang American columnist, ang ipinahayag ni Trump ay  matagal ng bahagi ng U.S. foreign policy (Bill Clinton noong 1992, George Bush noong 2000, at Barack Obama noong 2008). Mas naging agresibo nga lang ang Trump administration na tuluyan ng ilipat ang US embassy sa West Jerusalem.

Subalit maraming naniniwala na ang polisiyang ito ay malinaw na makakasira sa usapin ng peace process sa pagitan ng Israel at Palestine. Dahil dito, agad na umani ng pag-kondena ang pahayag ni Trump mula sa ibat-ibang sektor ng international community kabilang na ang mga global religious at political leaders. May dalawang importanteng tanong mula sa mga nagsusuri at kritiko: una, bakit nga ba pinagpipilitan ng Israel na maging kapital ang Jerusalem? At pangalawa, sa kabila ng paglabag ng bansang Israel sa U.N. Charter, Article 2(4) & 51 (1945), Geneva Conventions IV, Article 49(6) (1949), International Convention on the Suppression and Punishment of the Crime of Apartheid (1976), at Hague Regulations IV, Article 43 (1907), bakit nga ba ganun na lamang ang suporta ng U.S. sa modern state of Israel?

Maliban sa mga American-Jewish lobbyists (katulad ng AIPAC, Anti-Defamation League, at Washington Institute for Near East Policy), ang mga pro-Israel American Christian organisations, katulad ng Christians United for Israel (CUFI) at Christians for Israel International (CFII), American Pentecostal/Charismatic churches, at ilang US mega-churches ay may malaking political influence sa US foreign policy na bigyang pagkiling ang bansang Israel. Ayon sa mga Christian scholars, ang polisiyang ito ay nakasandig sa paniniwala na kalakip ng Christian agenda ang itaguyod ang pagsuporta sa Israel. Ayon kay John Hagee, isang tanyag na Christian Zionist, ang pagsuporta sa Israel ay naka-ugat sa biblical mandate na nakabatay naman sa Abrahamic promise na nagsasabing, “I will bless those who bless you, And the one who curses you I will curse.” Sa madaling salita, sino man ang susuporta sa State of Israel ay pagpapalain ng Dios at sino man ang tumutol dito ay susumpain ng Dios. Kaya’t noong 2014, iginiit ni Pastor Hagee na, “If you’re not for Israel, you’re biblically ignorant or not Christian.”

Sa puntong ito, mahalagang sabihin na tila ba napapanahon na muling pag-isipan ang wastong pagkaintindi ng Abrahamic promise  na binabanggit ni Hagee at ang unconditional support sa modern state of Israel na ipinahayag ni Trump. Tandaan natin na kung ang isang partikular na theology ay nagtataguyod ng walang katapusan alitan, pagwawalang bahala sa human dignity, at violation ng human rights ng mga Palestinians, may malaki at mahalagang rason upang pagdudahan ang nasabing relihiyon…

(Sundan ang ikalawang bahagi ng artikulong ito sa susunod na Sabado)

Mapapakinggan ang Pananaw Pinoy sa radyo, sa programang “Oras ng Pilipinas,” sa pagitan ng 7-8:30 ng umaga, ng 702 DZAS (AM) -FEBC Radio. Para sa suhestiyon at komento, hanapin ang Pananaw Pinoy sa Facebook o mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..