6,305

Eleksiyon, Epal at TNVS

  • Written by Emil Jonathan Soriano
  • Published in Pananaw Pinoy
  • Read: 3567

Tuluyan ng nag-withdraw sa Southeast Asian market ang pinakasikat na ride-sharing app sa mundo –ang Uber. Sa Pilipinas, bilyong dolyar daw ang nalugi sa kumpanya kaya’t minabuti nitong ibenta na lamang ang kanilang operation sa kakumpetensya nilang Grab.

Dagling nangamba ang ilang ahensiya ng pamahalaan tulad ng Philippine Competition Commission (PCC) na baka maging monopolyo ng Grab ang industriya ng TNVS sa bansa.  At dahil sa naging maugong ang samu’t-saring opinyon at katanungan lalung-lalo na mula sa mga milyon-milyong riders na tumatangkilik ng mga ride-sharing apps, nakapagbukas ito ng pagkakataon upang sakyan ng ilang political personalities ang isyu. Tulad na lamang ng isang party-list congressman na nagpahayag ng kaniyang reklamo sa mataas na pamasahe na ipinataw sa kanya ng minsang sumakay siya gamit ang Grab. Naging daana ng kanyang pahayag upang maging laman ng mga balita ang diumano ay hindi patas na fare scheme na ipinatutupad ng Grab.  Lumabas siya sa ilang programa sa TV upang idiin ang kanyang hinaing.  Maganda ang naging timing ng kongresista dahil kaalinsabay ng kanyang reklamo ay kasalukuyang pinag-uusapan ng LTFRB at ng Grab ang paglalagay ng maximum times 2 na cap sa surge pricing.

Nag-enjoy ang kongresista ng media mileage at naging matunog ang kanyang pangalan.  Pati ang Senado ay nagsimula din na mag-komento sa isyu. Kung magpapatuloy ang mga katulad na ‘kontrobersiya’ na nalikha ng nasabing isyu at patuloy na magawang palakihin ito sa media, hindi malayo na umabot ito sa level ng Congressional hearing “in aid of legislation” at possible din na humantong sa isang Senate hearing.

Subalit ang isyu ng pricing, monopoly, accreditation at reklamo ng riding public ay kaya nang resolbahin ng Grab at ng LTFRB. LFTRB ang nakatalagang ahensiya ng gobyerno na siyang may mandato para mag-regulate ng mga transport services sa bansa.  Sa level pa lamang na nila ay maaari nang magkaroon ng resolusyon at hindi na kailangan pang-umabot sa level ng legislative hearings.  Dagdag pa dito, may constant communication at ongoing dialogue ang LTFRB at ang Grab patungkol sa mga isyung nabanggit at patuloy na nakatutok ang LTFRB sa operasyon ng TNVS sa bansa.  Nasa level na ito ang accountability ng TNVS companies sa gobyerno.

Kung tutuusin, hindi naman na bago ang ganitong kalakaran sa pulitika.  Sadyang humahanap ng mainit na isyu na maaaring sakyan ang mga pulitikong nagnanais tumakbo sa mas mataas na pwesto.  Kukunin nila ang pagkakataon na mabigyan sila ng media mileage at pukawin ang attensiyon ng mga tao. Sa kaso ng TNVS, nakuha kuhang-kuha ang sentimyento ng mga riders ng TNVS.  Naging pagkakataon ito na pwedeng papelan ng mga political personalities na nais mamustura bilang tagapagtangol ng masa.

Subalit alam naman natin na nalalapit na ang mid-term elections na nakatakda sa isang taon.  Maganda nga naman na ganito pa lamang kaaga ay umukit na ng pangalan sa media.

Ang usapin sa TNVS ay kaya nang lutasin sa patuloy na dialogo, konsultasyon at transparency sa pagitan ng LTFRB, ng TNVS company, ng mga operators/drivers, at ng riding public.  May nakalatag ng mga epektibong feedback mechanisms na maaaring magamit sa kasalukuyan.  Ang hamon ay kung paano patuloy na palalakasin ang mga mekanismong tulad nito upang makapaghain ng mga malikhaing solusyon kung saan ang lahat ay makikinabang.

Sa isang bansang may demokrasya, opinyon ng bawat isa ay mahalaga. Para sa suhestiyon at komento, mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..