5,432 guests

‘Welga’ sa BoC, ‘ikinakasa’

  • Written by Paul Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 243

Paul's alarm

SA dumaraming bilang ng mga reklamo ng ‘Aduana stakeholders’ hinggil sa ‘leadership style’ ni BoC Commissioner, Isidro Lapeña, “puwede” na ngang sabihin na “tapos” na ang kanyang ‘honeymoon period’ sa kanila.

Kung ikukumpara, mga kabayan, sa naging panalo ni Pang. Rody noong nakaraang halalan ang naging pagpasok ni Comm. Sid sa BoC noon namang Agosto, masasabing “magkapareho” lang dahil ‘totally unexpected’ ang resulta ng mga pangyayari.

Sa kaso ni PDU30, sino ba sa hanay ng mga Dilawan, mga elitista,  ‘drug lords,’ ‘criminal syndicates’ at iba pang mga katulad nilang salot at perwisyo sa lipunan ang naniwalang mananalo siya sa panguluhan? Wala.

Walang naniniwala dahil nga para sa mga grupong ito, ‘in the bag’ na ang resulta ng ‘2016 presidential election’ dahil kontrolado ng “Pangkat ni Noy” ang makinarya at proseso ng ating mga halalan.

Kung may pinaniniwalaan man sila, ito ay ang “senaryo” na pagkatapos ng eleksyon, “tuloy” ang kanilang “ligaya.”
    
Subalit, “namulat” na nga ang taumbayan sa 6-taong walang katulad na pang-aabuso sa kapangyarihan, korapsyon, tiwaling pamumuno, kriminalidad at ang laganap na salot ng iligal na droga kaya kahit anong “pambobola” at “propaganda,” hindi na “nadenggoy” ang mamamayan. Nanalo si Pang. Digong.
    
Nanalo si Pang. Digong dahil nga “siya” ang nakikita -- at inaasahan -- ng ating mga kababayan na tanging kandidatong tutupad sa kanyang mga pangako at “magbabangon” sa “lugmok” na pangalan at reputasyon ng mga Pilipino.
    
Sa panig naman ni Comm. Sid, marahil kahit siya ay nagulat na “siya” pala ang magiging kapalit ni Comm. Nicanor Faeldon sa puwesto samantalang ang tanging ginagawa niya bago ito ay bilang ‘resource person’ ng Kongreso at Senado habang “tinatalupan” ang isyu ng ‘drug smuggling’ at talamak na katiwalian sa BoC.
    
Sa panig ng Aduana stakeholders -- at kahit sa panig ng ating mga senador at iba pang mambabatas -- ‘welcome news’ ang pagkatalaga ni Comm. Sid sa BoC dahil din sa paniwalang “siya” ang “magbabangon” sa “nasirang” pangalan at reputasyon ng ahensiya.
    
‘Comm. Sid’s ascension to the top BoC post was met with near universal acclaim,’ wika nga.
    
Kaya nga, halos tatlong buwan pa lang ngayon sapul nang pormal siyang maupo bilang customs commissioner noong Agosto 30, ang tanong ng mga miron: Anyare?
    
Oops! Kung babalikan ng mga miron ang ating mga nakaraang kolum at mga naisulat na balita, naging “parehas” at “pro-Lapeña” pa nga ang ating naging linya.
    
Katulad kasi ng karamihan, kasama na ang mga katulad ni Sen. Ping Lacson at Sen. Dick Gordon, naniniwala tayong ‘much better replacement’ si Comm. Sid -- kumpara sa kanyang pinalitan.
    
Kaya nga nang magawi tayo sa BoC noong Huwebes, nagulat tayo -- at nalungkot -- sa nakita at “naramdaman” na “pagbabago” (change of mood) sa hanay ng  Aduana stakeholders.
    
Bago ito, nakakatanggap tayo ng sumbong sa ilang miron na “halos walang naging pagbabago” sa kalakaran at sistema sa Aduana.
    
Sa kabila ng kanyang mga ipinapakitang “pagpupunyagi” sa harap ng media at publiko, talamak pa rin ang ‘benchmarking,’ ang ‘misdeclaration,’ ang “tara culture” at ang “paglabas” ng mga bago at lumang mukha na umano’y mga “engkargado” ng kanyang administrasyon upang tulungan ang mga smuggler sa kanilang mga operasyon.
    
Sa aking nakaraang kolum at sa sumunod namang kolum ni kasamang Marlon Purificacion, ibinisto na ng pahayagang ito na “balik-eksena” na naman pala sa pantalan itong si ‘Abu Sarap’, ang notoryus na ‘scanner’ noon sa IG na sinibak ni ex-DCI Jessie Dellosa.
    
Ayon pa sa mga miron, ‘back in business’ itong si Abu Sarap dahil “protektado” umano nitong si alias ‘Noel P’ na siyang nagpapakilang “dapat kausapin” ngayon ng  ‘players’ dahil “siya” ang may ‘direct connect’ sa punong tanggapan ni Comm. Sid.
    
Ang “masaklap” pa, ayon sa ating source na hindi puwedeng sumablay, “umasinta” pa umano itong si Noel P ng mataas at sensitibong posisyon sa BoC, sanamagan!
    
Sakali namang “diinan” ni Comm. Sid ang “hirit” na puwesto nitong si Noel P kay PDU30 at DoF Sec. Sonny Dominguez, eh, “alam” na natin hindi ba, mga kabayan?
    
Kaya ang magiging resulta: “Sino” pa sa mga sinserong naghahanap ng pagbabago at reporma sa BoC ang maniniwala kay Comm. Sid na “seryoso” siya sa kanyang mga reporma at kampanya laban sa smuggling at katiwalian, hindi ba?
    
Sa panig naman ng mga empleyado at mga customs broker, “dismayado” rin umano sila sa mga “reporma” ni Comm. Sid.
     
Ayon pa sa isang lider ng mga customs broker na nakausap din natin noong Huwebes, “welga” o “kilos-protesta” ang kanilang magiging tugon sa anila’y mga “sablay” ng administrasyon ni Comm. Sid.
    
Eh, “kailan” naman ito, tanong mo ba, CIIS director, Wilkin Villanueva, sir?
    
Eh, siyempre, “abangan” na lang natin -- para may “ibabalita” pa ang media, hindi ba, hehehe!