7,305 guests

Tulungan ang Pamilya Castillo

  • Written by Mario Fetalino Jr.
  • Published in Opinion
  • Read: 318

LIHAM muna mula sa People’s Tonight reader:

MASASABI natin na kahangahanga rin ang tibay ng dibdib ng ating Pangulo. Ilang beses na napaiyak
si PNP chief Gen. Bato dela Rosa na isang certified na ‘BATO’ sa mga batikos sa nagaganap na EJK pero
’di pa rin natitinag si Presidente na tila pasan ang daigdig dahil sa sunud-sunod  na problemang
dinaranas ng ating bansa.
 
 -- Ferdinand Ventayen

09755534580

* * *   

Tama po kayo d’yan Mr. Ventayen. Kung mahinahina ang ating naging pangulo, malamang ay wala na
tayong gobyerno ngayon at isang malaking kaguluhan ang nararanasan.
    
Naisip n’yo na ba kung hindi si Pangulong Duterte ang nasa Malakanyang nang pumutok ang giyera
sa Marawi? Aba eh kung kukuya-kuyakoy ang ating lider, nakasisiguro ako na by this time nasakop na ng
mga Maute ang Kamaynilaan.
    
Ang maagap at desididong pag-aksiyon ni Duterte ang naging susi sa pagresolba ng krisis sa
Marawi. Dahil sa martial law na kanyang ipinatupad doon, malapit nang matuldukan ang digmaan at maiwasan
ang patuloy na pagdanak ng dugo sa Mindanao.
    
Bibihira ang ganitong lider na may tapang na magsagawa ng isang desisyon na alam niyang
ikagagalit ng taumbayan pero kinailangan niyang ipatupad dahil sa kapakanan ng nakararami.
    
At tama pa rin kayo. Natutugunan niya ang iba pang problema ng bayan sa gitna ng matinding
pagbatikos mula sa kanyang mga kaaway sa pulitika.
    
Tulad ni Digong, kinakailangan na maging matibay ang bawat mamamayan sa bawat hamon sa buhay.
Dapat tayong manalig sa ating kakayahan na malusutan ang mga gusot ng bayan.
    
Kailangan tayong matulungan.
    
Patuloy n’yo pong tangkilin ang People’s Tonight. Maraming salamat po.

* * *   

Hindi ko maintindihan kung bakit may mga panawagan sa pamilya ni hazing victim na si Horacio
‘Atio’ Castillo III na kalimutan na lang ang nangyari at magpatawad upang makaiwas sa problema.
    
Walang masama sa pagpapatawad at makapag-move on pero mas mahalaga na makamit ang hustisya lalo
pa’t sariling anak ang napahamak.
    
Sa pagtugis sa mga may sala sa pagkakamatay ni Atio at sa posibleng pagkakakulong ng mga ito,
mabibigyan siya at ang kanyang pamilya ng hustisya. Magsisilbi rin itong daan upang matigil ang hazing
at mailigtas ang maraming kabataan sa kapamahakan.
    
Halos madurog ang puso ng maraming Pilipino nang masaksihan ang pagluha at paghinagpis ng mga
magulang ni Atio dahil sa kanyang pagkamatay. Hindi ko matanto kung paano nila tatanggapin ang
panukalang pagpapatawad sa mga nagkasala.
    
Kung iba ang tatanungin, maaaring walang kapatawaran ang kanilang sasabihin kung sila ang
nakaranas ng trahedya na tumama sa Pamilya Castillo. ’Ika nga, buhay ang hiniram, buhay ang kabayaran.
    
Kaya nga buti na lang at sumusunod pa ang Pamilya Castillo sa proseso ng batas dahil may mga  
magulang na tumitingala sa dahas sa mga ganitong pagkakataon.
    
At isa ang inyong lingkod na hindi sumasang-ayon sa paggamit ng dahas upang makamit ang hustisya
dahil salungat ito sa batas ng Diyos at tao.
    
Kung hindi kayang tulungan ang Pamilya Castillo, huwag naman silang pigilan na gamitin ang batas
sa paghahanap ng hustisya.

* * *   

For comments, please call or text 09055080126 or email This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..