Sinseridad ni Comm. Sid dapat suportahan

September 25, 2018

BAGO ang lahat, binabati natin ng isang maingay at malaks na ‘Happy Birthday’ ang aming maganda, mabait at matalinong editor dito sa People’s Tonight, si ‘Mommy’ Tess Lardizabal, sa kanyang kaarawan ngayong araw!

Happy birthday Mommy Tess! May the Lord continue to shower you with His wisdom and blessings!

At siyempre, pagbati na rin sa ating mga “kapatid” sa Nueva Ecija Press Club (NEPC) sa pangunguna ni Pang. Gina Magsanoc Caling, sa kanilang anibersaryo ngayong araw din ng Martes!

Isa ang NEPC, dear readers, sa “matibay” na “balon ng suporta” sa hanay ng mga ‘provincial press clubs’ sa bansa at hangad natin ang patuloy na tagumpay ng samahang ito. Mabuhay kayo sa NEPC, mga kapatid! More power!

Oops! Happy birthday din pala kay Port of Manila district collector at Bureau of Customs spokesperson, Atty. Erastus Sandino Austria, na ‘Birthday Boy’ kahapon. Aber, pakan…ton ka na, Coll. Dino, hehehe!

At napag-usapan na rin lang ang BoC, dear readers, kung “hindi nadadala” o “ayaw magtanda” ng mga smuggler, “walang sawa” din naman si Comm. Sid Lapeña sa pagsasampa ng mga kasong smuggling kaya, “quits” na lang, hindi ba mga kabayan, hehehe.

Kahapon din, nalaman natin na limang kasong kriminal (na naman) ang isinampa ng Aduana laban sa mga sumusunod:

Oscar G. Catacutan, Mario Briones, Eddie Lalu, Randy Turla, and Alfredo Guevarra at customs broker, Mary Faith Duran Miro, ng Malaya Multi-Purpose Cooperative (MMPC) dahil sa nabigong plano na “magpalusot” ng higit P2.5 milyon halaga ng mga sibuyas at mansanas;

Stanley Tan, ang sinasabing “may-ari” ng higit P9.4 milyon halaga ng mga pekeng sigarilyo at mga ‘beauty products’ na nasabat din ng Aduana;

Samuel M. Alvarado, pangulo ng Pherica  International Corporation at customs broker, Nazario S. Maglanque, dahil naman sa tangkang ‘smuggling’ ng higit P500,000 halaga ng mga laruan;

Ismael Tayuan Malingco, may-ari ng ‘IT Malingco Enterprises’ at, customs broker Erlinda V. Dumalao, dahil naman sa tangkang pagpupuslit ng mga samu’t-saring kargamento (general merchandize) na nagkakahalaga ng P6.5 milyon.

‘Double whammy’ mga kabayan, ang “tumama” dito sa IT Malingco dahil bukod sa “bubunuin” na nitong si Malingco at Dumalao ang isinampang kaso ni Comm. Sid Lapeña, noon lang Setyembre 14, “winasak” ang mga kargamento nito (condemnation) upang hindi na mapakinabangan, aguy!

At tuluyan namang “nawala” ang “werpa” (as in ‘power’) nitong si Marnie Seguiran, may-ari ng Power Buster Marketing.

Dangan kasi, siya ang pang-lima (at pang-huli) sa mga “pinakasuhan” ni Comm. Sid kahapon dahil naman sa tangkang pagpupuslit ng higit P1.6 milyon halaga ng mga ‘firecrackers’ at ‘fireworks’ na isa sa mga ‘regulated commodities’ sa “listahan” ng ating pamahalaan.

Sa kabuuan, aabot sa higit P20 milyon ang halaga ng mga kargamentong tinangkang “ipuslit” ng mga nabanggit na suspek, ehek, ‘players’ kaya hindi na tayo magtataka kung “luhaan” na ang mga ito ngayon.

At bakit hindi? ‘Yun bang wala ka nang “nabawi” sa kargamento mo, may kaso ka pang kinakaharap, sino ang hindi “sasakit ang ulo” at hindi “maghihinagpis,” hindi ba, mga kabayan?

Sa nakikita nating sinseridad ni Comm. Sid sa pagtupad sa kanyang tungkulin, isa lang talaga ang ating masasabi, dear readers: “Ituloy” mol ang yan, Comm. Sid dahil… suportado ta ka!

Bukas naman, dear readers, “third edition” na ang pagdinig ng Senado sa isyu ng talamak pa ring ‘smuggling’ ng iligal na droga sa bansa.

“Inaasahan” na ang pagdalo bukas nitong si PNP colonel Jojo Acierto na sinasabing ‘handler’ nitong si customs intel agent, Jimmy Guban na hanggang ngayon naman ay “detenido” pa rin sa Senado.

“Inaasahan” na ang “pagsipot” nitong si Col. Acierto, dear readers dahil kung hindi pa rin siya “magpapakita,” hindi malayong ‘arrest order’ na ang ilabas ni Senate blue ribbon committee chairman, Sen. Richard ‘You-Know-Me’ Gordon.

“Palalim” nang “palalim” ang “tinatahak” ng pagdinig na ito, mga kabayan, sa totoo lang!

Unti-unti na kasing “nahuhubaran” ang mga opisyal ng PDEA at BOC na “pasok” sa sindikato ng iligal na droga kaya wala tayong masasabi kundi…        Abangan!